DANAYA "Ma'am, tumawag po si Sir Dion kanina na magagabihan daw po siya ng uwi. Mauna ka na lang daw pong kumain at wag na raw po siyang hintayin pa," ani manang. "Gano'n po ba? Salamat po," wika ko and then dumire-diretso na sa kwarto. Pagkapasok ko'y kaagad kong ipinatong ang mga paper bag na naglalaman ng mga damit na ibinili sa akin ni Ralph. Ilang beses kong sinabi sa kaniya na hindi naman niya kailangan na bilhan ako ng mga branded clothes pero napakatigas ng ulo niya. Napapapikit na lang ako ng mata para kahit papaano'y mabawasan ang inis. "Tssss. Bakit mukhang marami siyang pera pero si Jam kailangan pang magbenta ng kaluluwa para makuha ang mga luho niya? Akala ko ba magpinsan sila?" tanong ko sa aking sarili. Speaking of that biatch! Bwesit talaga si Jam! Mukhang pera supe