DANAYA Malalim na ang gabi, mahimbing nang natutulog si Dion. Naalimpungatan ako sa ingay ng aking tiyan. Kaunti lang kasi ang kinain kong dinner dahil sabi ko mahihirapan akong matulog kapag sobra naman akong busog. Ngayon ko na pinagbabayaran ang consequence... sa kalagitnaan pa ng hatinggabi ako nagutom. Kumunot ang noo ko noong napukol ang mata ko sa aking dibdib. Akala ko lumaki iyong isa kong dede, it turned out na nakahawak iyong kamay ni Dion doon. HIndi lang siya iyong simpleng nakapatong dahil talagang nakahawak, iyong tipong matatakot ka na lang dahil kapag gumalaw ka baka pisilin niya. Sumasakit pa naman ang dalawa kong dede, siguro dahil dadatnan na ako. Dahan-dahan akong umusog pataas para makalaya ang isa kong s**o. Noong matanggal na iyong kamay ni Dion, napansin ko nam