RALPH "Excited na excited Ralph, ah! Mukhang malalim 'yong tama ni kupido sa iyo," panunukso ng kaibigan ko. Kasalukuyan naming binabagtas ang mahabang kalsada patungo sa bar na pagmamay-ari ni Danaya. Ikinuwento ko sa kanila na may gusto ako sa may-ari ng Heaven's bar kaya inaya nila ako na pumunta ngayong gabi. Hindi pa naman ako nakapagpaalam kay insan, paniguradong mapapagalitan niya ako kapag nakita niya ako ro'n. Pero wala akong pake dahil mas matimbang sa akin ang makita si Danaya ngayon. "Tigilan mo ako, Jude. Basta, ha. Ang usapan ay usapan. Walang talo-talo sa tropahan nating ito. Sa akin na si Danaya, wala poporma sa kaniya maliban sa akin," paalala ko sa mga ugok. "Hahahahaha! naku po! Ayan na binabakuran na ni Ralph. Hindi ka pa nga sinasagot, grabe na ang pambabanta mo. Paa