RALPH "Oh? Ginagawa mo rito?" tanong ni Jam no'ng makita ako. Nakatapis lang siya ng tuwalya, gulo-gulo ang buhok at may hickey pa sa leeg. "Dumalaw boyfriend mo?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya tapos tinalikuran na ako. Inaya niya akong pumasok. Naglakad ako patungo sa couch at humilata. "Pupunta ka ba mamaya sa Heaven's bar?" tanong niya. "s**t! Bakit hindi ka sa kwarto mo magbihis! Talagang sa harap ko pa!" bulalas ko. Nakasuot naman siya ng bra at panty pero nakakadiri pa rin siyangg pagmasdan. "Go to your room, Jam!" dugtong ko pa. Itinapon niya sa mukha ko 'yong tuwalyang ipinambalot niya sa kaniyang katawan. Kaagad ko naman iyong inilagay sa gilid, nandidiring tiningnan siya habang siya naman ay tawang-tawa. "Grabe naman! makangiwi parang hindi ka pa nakakakita ng babaeng na