DANAYA Hindi ako mapakali sa aking higaan. Hinihintay ko si Dion na dumating kahit na malapit nang mag-alas dose ng gabi. I am holding onto his promise na uuwi siya, kaya kahit inaantok na ako, pinipilit kong hindi pumikit. Lumaklak na ako ng kape para mabuhayan, sumayaw, naglinis ng gamit sa kwarto para lang lubayan saglit ng antok. "Ugh! Nasaan ka na ba, Dion?" tanong ko sa kawalan habang nakatingin sa orasan. Malapit nang maabot ng malaking kamay ng orasan ang huling numero. Habang hinihintay kong mangyari iyon, habang tumutunog iyong malakas na pilantik ng kwmay ay pabigat nang pabigat ang talukap ng aking mga mata. "DION!" bulalas ko no'ng marinig ang tunog ng pinto na bumukas. Dali-dali akong nagtungo ro'n para salubungin siya. Masaya ang mukha, sabik na tumakbo patungo sa kaniy