DUMAAN na ang isang araw. Ang nangyaring insidente kahapon ay mabilis na nabura sa isip nina Danaya. Nagkaroon sila ng munting piging, ito ay handog nila sa kanilang mga sarili dahil ang dulo ng tagumpay ay nakikita na nila nang maayos. Hindi na kokontra ang langit. Ngunit mukhang ang kamalasan ay hindi pa rin sila sinusukuan. "Cheeerrrsss! Matagal natin 'tong hinintay and finally! Na-solve na ang misteryo sa pagkamatay at kung sino ang pumatay sa daddy niyo tapos ngayon 'yung mga kumalaban sa inyo at pilit kayong ibinabagsak ay nakakulong na rin sa wakas! Maghihintay na lang tayo ng bukas to finally end all the shits... at makapagpasimula." Pagkatapos ng masigabong palakpakan, nabalot ng luha ang mga mata nilang apat. "All the sufferings, sacrifices... makikita na rin natik sa wakas

