ALAS otso na ng gabi noong makauwi sa kanilang tahanan sina Danaya at Dion. Ang inaasahang masayang pagliliwaliw ay hindi nila naatim. "Iniisip mo pa rin ba ang sinabi no'ng mga babae kanina?" tanong ni Dion habang hinahagod niya ang likod ni Danaya. Nasa kusina sila, naghahanda ng makakain dahil day-off ngayon ng kanilang katulong. "Uhm... hindi ko maalis sa isip ko 'yung sinabi nila," ani Danaya. Niyakap siya ng kaniyang kasintahan mula sa likod. Ipinatong ni Dion ang kaniyang baba sa balikat ng dalaga at pinagsaluhan nila ang maingay na katahimikan. "Don't mind them. Mga wala lang silang magawa sa buhay nila. Don't stress yourself, hmm?" ani 'to bago niya gawaran ng banayad na halik ss pisngi ang kasintahan. "You know what Dion, minssn sumasagi sa isip ko na magbuntis sa malayo. Li

