GEORGE Maaga na naman akong gumising ngayong araw para ipagpatuloy ang aking plano. Nag-come up ako sa malalim na desisyon pagkatapos kong malaman ang resulta na tunay ngang magkapatid sina Dion at Danaya. Sinisiguro kong wala pang gising kahit na katulong sa bahay kapag nag-aasikaso ako't umaalis. Ayaw kong may makaalam sa tunay kong ginagawa lalong-lalo na si Marga dahil alam kong pakikialaman niya ako't pipigilan. Kakalabas ko pa lang ng bahay, natigilan ako sa paglalakad dahil biglang nag-ring ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ng kaibigan kong si Esteban na isang magaling na IT. Siya lang ang kasama ko sa planong ginagawa ko ngayon dahil kailangan ko ng katulad niyang bihasa sa computer at hacking. "Dude, bakit? Paalis pa lang ako ng bahay," sabi ko. "Ah, sige sige... ba