MARGA Nakarating ako sa bahay pasado alas 12 ng tanghali. Pagkarating ko sa loob, rinig na rinig ko ang sigawan sa taasI bet nasa pasilyo sila nagtatalo-talo. Hindi ko marinig ang boses ni George, tanging sina mom and dad lang ang nagdidiskusyunan. Tumaas na rin ako sa hagdan at hindi nga ako nagkamali, nagsisigawan sila mismo sa pasilyo sa tapat ng pinto ni dad. nakapameywang si mommy habang si dad ay bitbit ang kaniyang ipad. Naagaw ko ang kanilang atensyon. At noong magtagpo ang mga mata namin ay alam ko nang sa akin na mababaling ang galit nilang pareho. Kahit na kanina ay nagsisisihan sila, ngayon magkakampi na silang dalawa at ako na ang kalaban nila. Ako na walang kaalam-alam sa kung ano man ang pinuputok ng butsi ni dad. "Bakit ngayon ka lang, ha! Kanina pa kita pinapauwi!" gali