MARGA "Kumusta? Nagawa niyo na? Ise-send niyo na sa email ko? Bilis, ah..." Sa dami ng problemang kinakaharap ko ngayon may isang good news akong narinig. Napawi ang inis na nararamdaman ko dahil ang bilis kong maka-receive ng report mula sa hinire kong photographer. "Sige, kung na-send mo na, asahan mong matatanggap mo ang pera bukas. Dating tagpuan, okay? And kung may maire-recommend ka sa akin na abductor... 'yung magaling, dadagdagan ko pa ang perang ibibigay ko sa iyo. Sige na, titingnan ko na 'yung sinend mo." After kong sabihin iyon ay ibinaba ko na ang tawag. Wala na akong dapat pang aksayahin na pagkakataon. Kapag hindi pa rin ako kinausap ni Dion bukas, magpo-proceed na ako sa pagpapa-salvage kay Danaya. I don't care kung anong mangyari sa akin, kung maging wanted man ako o