CHAPTER 31.5

1594 Words

DION Sa gitna ng magulo at nakakapagod na mundo, siya ang aking pahinga. Sa tuwing malapit na ako sa aking limitasyon at mababaliw na sa patong-patong na problema, siya ang dahilan ng pananatili ng aking katinuan. Siya, na hindi ko tunay na kadugo... Siya, na walang ibang ibinigay kung hindi pagmamahal. Siya, na simula't sapul ay sinuportahan ako, pinanood kung paano ako makarating sa kung nasaan ako. Siya ay si Danaya. At ang mahalin siya't isugal ang lahat upang manatili ang relasyon naming dalawa ay ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko. Deserve ni Danaya ang lahat ng saya, ang mundo. At bilang kasintahan niya, oblligasyon kong panatilihin ang ngiti sa kaniyang mukha, araw-araw, oras-oras, minu-minuto... segu-segundo. "Sorry... did I wake you up?" mahina at halos pabulong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD