DANAYA Nagpaalam ulit sa akin si Dion na male-late na siya ng pag-uwi mamaya. Wag na muna raw ako mag-send ng sexy photo dahil hindi raw niya kayang iwasan ang temptation. Paniguradong mapapauwi siya nang wala sa oras kapag ginawa ko iyong muli. Syempre, dahil mismong si Dion na ang nagsabi na may importanteng meeting siyang a-attend-an mamaya, umoo na akong hindi siya iistorbohin. Nangako naman siya na kapag naging behave ako ngayong gabi ay bibigyan niya ako ng reward... Maputing reward, ahahahahaha! "Mag-iingat ka. Kasama mo ba sa meeting si gaga Marga?" tanong ko habang inaayos ang suot niyang necktie. "Probably. Nandoon ang tatay niya so, baka sumama rin siya. Bakit?" tanong niya sa akin. Napanguso ako nang wala sa oras nang marinig iyon. "Should I also enter the comp? Ano sa tin