CHAPTER 1

1975 Words
TREVOR’S POV: I'm currently driving to the mansion, having just arrived from Italy where I attended some various business matters. My brother, Lucas, has finally married after enduring a significant period of hardship. He has now found the woman who profoundly changed him, and I am certain he will love her until his very last breath. At ako? Kinakabahan na ngayon dahil alam ko ako na ang susunod na kukulitin ni mama para mag-asawa. Mas gusto ko pang maglibot sa iba’t-ibang bansa kaysa kulitin niya para mag-asawa na ‘ko. Wala naman talaga akong balak na umuwi pero kung hindi ko susundin ang kagustuhan ni mama ay baka ipadampot na lang niya ako sa mga tauhan namin at kaladkarin pauwi ng Pinas. Ipinarada ko ang sasakyan ko at bago pa ako makababa ay nakita ko na si mama sa malawak niyang garden at as usual kinakausap na naman niya ang mga halaman niya. “What’s up ‘ma!” bati ko sa kaniya habang papalapit ako. Tinigil niya muna ang kaniyang ginagawa at humarap sa’kin. Sasalubungin ko sana siya ng yakap nang ibato niya sa’kin ang hawak niyang pang bungkal ng lupa. Mabuti na lang at nakailag ako dahil kung hindi baka malaslas ang leeg ko. You wouldn't know Mom has a kidney problem just by looking at her; she's stronger than our water buffalo. “Ma naman, kakauwi ko lang galing sa business trip tapos may lilipad bigla sa’kin imbes na salubungin mo ‘ko,” reklamo ko sa kaniya. “E paanong hindi kita babatuhin sakit ng ulo ang binibigay mo sa’king manyakol ka!” It looks like we're going to argue again, all over some small matter. Siguro may nalaman na naman siya kaya lumalaki na naman ang butas ng ilong niya dahil sa galit. Anong magagawa ko kung babae na ang lumalapit sa’kin? Hindi ko naman kasi kasalanan na nagkaroon siya ng mga guwapong anak. “What makes you mad ‘ma? I didn’t do anything wrong.” Akmang babatuhin niya ulit ako ng may biglang tumawag sa kaniyang telepono. Kaagad niya itong sinagot at ilang sandali pa ay muli niya akong binalingan nang tingin. Sunud-sunod pa ang paghinga niya ng malalim at tinanggal ang suot niyang gloves. Tumalikod siya sandali at may kinuha sa ibabaw ng mesa at padabog niya pang isinaksak ang mga pictures sa aking dibdib. Tiningnan ko naman ‘yon isa-isa at hindi na ako magtataka kung sakali mang malaman niya ang mga ito. “Kailan ka ba titigil diyan sa kalandian mo ha Trevor? Hindi ba pwedeng pumirmi ka na lang sa iisang babae?” Napakamot na lang ako sa aking kilay at napailing na lang sa kaniya. “They’re my clients ‘ma, syempre i-eentertain ko sila,” palusot ko pa sa kaniya. “Saan sa kama? Naku Trevor magtino ka na nga ha, kung nabubuhay lang ang papa niyo baka pagbabarilin ka na no’n!” “Bakit ‘ma kahit kailan ba hindi nambabae si papa? Sure ka na ikaw lang ang pinaka maganda sa paningin niya?” biro ko sa kaniya. “Hindi! Dahil pinagbantaan ko siyang papatayin oras na lokohin niya ‘ko. Iyon nga lang iba ang pumatay sa kaniya.” Biglang lumungkot ang mukha ni mama ng mapag-usapan namin ang aking ama. I know there are times when she misses Dad, and she's forcing herself to forget the painful things that happened to him. I do know that our father was never unfaithful and gave everything for our family. “Siguro mapapapayag niyo lang akong mag-asawa if magkaroon ka ng boyfriend,” nakangisi kong saad sa kaniya. Alam kong malabong mangyari ‘yon dahil mahal na mahal niya ang aming ama at para na rin tigilan na niya ang kakapilit sa’kin na mag-asawa na. Kung ang tatlong mga kapatid ko ay napilit niya pwes mas mahihirapan siya sa’kin. I like girls, but I didn’t want to get in a relationship right now. “Hoy Trevor, anong akala mo sa edad ko paurong? Senior na ‘ko at wala na akong libog sa katawan. At kung sakaling may natitira pa akong libog, para lang ‘yon sa ama mo,” depensa niya na nagpatawa sa’kin. Kunwa’y humikab ako para hindi na niya ako kulitin pa. Saktong pagtalikod ko naman ay bigla niya akong binatukan kaya naman mabilis akong napaharap sa kaniya at awang ang aking mga labi. “Ma! Masakit ah! Can we talk later? I'm feeling sleepy and need to get some rest,” sabay himas ko pa sa aking batok. “Mas lalo kang masasaktan kapag hindi mo ‘ko sinunod” Shit naman! Nanay ko ba talaga ‘to? Ikaw ba naman magkaro’n ng nanay na kasing tapang ni Gascon sigurado akong isusumpa mo rin siya. Pagdating sa’ming apat na magkakapatid panay mura at sermon niya pero sa mga manugang niya kala mo maamong kambing kung magkuwento siya sa mga ‘yon. “Ma, please” “Bukas na bukas mag-asawa ka na ah!” bulyaw sa’kin ni mama. “What the f*ck! Ma, ayoko! Ginawa niyo na kay Roco, Gascon at Lucas ‘yan pati ba naman sa’kin?” “Nanay mo ‘ko kaya susundin mo ‘ko. Kita mo naman ang mga kapatid mo lumagay na sa tahimik. Aayaw-ayaw pa pero bibigay din naman pala.” Inis akong napabuga sa hangin at napahilot na lang sa aking sentido. I have been with many women, but I never bothered to ask their names. We only connected in bed, and after that, I was gone like a ghost after one night. Masarap ang bawal lalong-lalo na kapag walang nagbabawal s’yo. I haven't fallen in love yet, and I don't want to end up crazy like my brothers. I'm only 30 and not ready to settle down. I still want to have fun and enjoy hooking up with different women. “Sila ‘yon ‘ma at saka ang bata ko pa para mag-asawa,” protesta ko sa kaniya. “Wala ka ng magagawa dahil naka-schedule ka na ng blind date mo mamaya.” Narinig kong sabi ni Lucas na halatang kararating lang galing sa sakahan. “What?!” gulat na sigaw ko. Binalingan ko si mama na tila kampante lang at pakanta-kanta pa habang dinidiligan niya ang kaniyang mga halaman. “Ma!” “Huwag mo akong sigawan Trevorcio sasamain ka sa’kin! Basta pumunta ka dahil kung hindi ka sisipot lahat ng meron ka ngayon mawawala sa’yo. Matanda na ‘ko kaya bigyan niyo na ako ng maraming apo. Gusto ko lumagay ka na rin sa tahimik at magtino ka ng manyak ka!” Dinig ko ang malakas na tawa ni Lucas at masama ko siyang tinitigan. Iniwan ko na sila sa labas at nagtungo na ako sa aking kuwarto. Pabagsak akong nahiga at sandaling pumikit. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakiramdam muna ako. I could feel it getting closer, so I shot my eyes open and practically leaped out of bed. Hinugot ko ang baril ko na nasa aking likod at itinutok ito sa kaniya. Gulat pa siyang napatitig sa’kin at itinaas nito ang kaniyang dalawang kamay. “f**k Julius bakit hindi ka man lang kumatok?! mura ko sa kaniya. Ibinaba ko na ang baril ko at inilapag iyon sa side table. Tumayo na ako sa kama at hinubad ang pang-itaas ko. “8 pm daw ang date mo mamaya kay Miss Charlene Aguirre pinapasabi ng mama mo.” Hinarap ko si Julius at nagkibit balikat lang siya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin at isa rin siya sa matalik na kaibigan ni Gascon at Roco. Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha at tumango na lang sa kaniya at pagkuwan ay lumabas na rin siya ng kuwarto ko. Mukhang hindi ko talaga kayang suwayin si mama. Tutal date lang naman iyon at pagkatapos ay lilipad na ulit ako papunta sa Italy ng hindi nila nalalaman. I took off my pants and quickly wrapped a towel around my lower half. I was about to head to the bathroom when I froze, suddenly sensing something wasn't right. Marahan akong humakbang papunta sa tabi ng kama para kunin ang baril ko. Mariin ko pa itong kinasa at nagpalinga-linga ako. Suddenly, a shadow appears near into my walk-in cabinet. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon at bago ko pa kalabitin ang gatilyo ng baril ko ay inunahan na niya akong paputukan. Mabuti na lang ay kaagad akong nakailag at tumakbo naman ako papunta roon sa loob. Hindi ko siya makita at marahil ay nagtatago siya sa sulok nitong walk-in closet ko. Pinatay ko ang ilaw noon at ako naman ang nagtago sa likod ng pintuan at bahagya lang akong nakasilip sa posibleng labasan niya. And yes I am right. He stepped out from where he was hiding and just slowly walked. I got up behind him while his back was turned like he was looking for me, and I pressed the cold muzzle of my gun into the back of his skull. Napatigil siya sa kaniyang paghakbang at mariin ko pa itong itinutok sa kaniya. “Who the f**k are you? And what do you want from me?” Nanatili siyang nakatalikod at hindi gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos at nahawakan niyang kaagad ang braso ko at sinuntok sa aking sikmura. But before he could get any distance, I snagged his shirt, yanked him back hard, and slammed him onto the floor. I was on top of him in a flash, gun back to his forehead, but before I could even squeeze the trigger, a bullet slammed into my shoulder, and I went down hard. Sapo ko ang kaliwang balikat ko na tinamaan ng bala at nakita ko ang isang bulto sa ‘di kalayuan at malamang ay siya ang bumaril sa’kin. Hindi lang isa kun’di dalawa ang nangahas na pumasok dito sa kuwarto ko. Who could they be? Anong pakay nila sa’kin at paano sila nakapasok dito? Pilit akong tumayo at pinaputukan sila pero nakailag ang mga ito. Lumabas ako ng walk-in closet sapo pa rin ang balikat kong duguan dahil sa tama ng bala. They already left at tumalon ito mula sa bintana. Dumungaw ako sa may bintana at nakita ko silang tumatakbo palayo. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinaputukan ang isa at sapol ‘yon sa kaniyang ulo. I’m not a Montealegre for nothing kung hindi ko siya tutuluyan. Nakatakip ang mga mukha nila at puro itim ang kanilang suot kaya hindi ko sila makilala. Napatigil pa ang kasama niya sa pagtakbo nang makita niyang wala ng buhay ang kasama niya. Pero imbes na balikan niya ito ay tiningala niya ako mula rito sa kinatatayuan ko at alam niyang ako ang may gawa noon. Itinutok ko sa kaniya ang baril ko para siya naman ang patayin ko pero napansin kong may laser na nakatutok sa aking dibdib. Umiwas ako at nagtago sa pader at sunud-sunod na pinaulanan ako ng bala. When the gunfire stopped, I peeked out slightly, but my opponent was no longer there. Bumukas naman ang pintuan ng kuwarto ko at napatutok doon ang aking baril. Gulat na napatingin sa’kin si Lucas at kasama naman nito ang aming ina. Kaagad nila akong nilapitan at umiiyak namang niyakap ako ni mama. “Hindi niyo ba napansin na may nakapasok na rito sa mansyon?” may diing sambit ko kay Lucas. "They killed some of our men, and it seems they know their way around this place really well." Napamura na lang ako sa aking isipan at inalo ko naman si mama habang nakayakap sa’kin. “I think I knew who they are,” mahinang sabi ko at kunot ang noo kong napatitig ako sa kapatid ko. They're my business rivals; I didn't agree with their project, and they threatened my life for that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD