Chapter 38 [November: Adam] [November: Pwede ba tayong mag-usap?] [November: Busy ka ba?] [November: Mag-chat, call or text mo ko kapag nabasa mo mga chat ko sayo, kailangan kita eh, may problema ako at kailangan ko ng makakausap.] Seen by Adam… Nong umalis ako sa bahay nila Kelly agad kong nag-iwan ng mensahe para kay Adam sa chat box namin. Hindi na ako nakapasok at dumiretso na lang ako sa ospital. Ilang beses kong tinignan yong huli kong mensahe sa kanya, sineen lang niya at para bang wala siyang planong mag-reply o kausapin ako. Hindi ko alam kong anong nangyayari at gusto ko rin magtanong kong ayos lang ba siya, pero hindi na ako nagpumilit pa. Hindi na ako kumatok at pumasok ako sa loob nong buksan ko ang pinto. Nagkatitigan kami nang makita nila ako. Napansin kong magkaharap