Chapter 57 Halos isang linggo kaming naghanap kay November at kay Kelly. Ilang beses naming pinuntahan ang bahay nila, kong walang tao sa kanila, ayaw naman kaming kausapin ng maayos ng mga magulang ni November at palagi lang kaming tinataboy. Gusto naming malaman kong bakit. Siguro sa tingin nila hindi na kami nakakabuti kay November, madaling sabihin na hindi niya ako kailangan para sa anak niya? Kong oo, alam kong wala akong magagawa ro’n, pero ako hindi ko kayang hindi ko makakausap ng maayos si November at makahingi ng tawad sa kanya. Mukha na nga kaming tanga ni Kent at nahihiya na rin ako sa kanya, pagkatapos ng lahat kaming dalawa na lang ang natira. Halos napapabayaan na namin pag-aaral namin para lang sa paghahanap sa dalawa. Gumawa pa nga kami ng mga papel na may mukha ni Kell