Chapter 6
Nakaupo ako sa waiting shed at naghihintay ng bus na paparating para makauwi na rin ako. May ilang estudyanteng nagdadaan at nagtitinda sa sidewalk. Hindi na rin ako mapakali sa mantsa na nakuha ko kanina, yong mga nagtalsikang pintura sa slacks at sapatos ko. Dumaan naman sa harap ko si Adam at naupo sa dulong upuan ng waiting shed, mukhang sasakay din siya ng bus.
Nagtataka na talaga ako kasi madalas naman siyang sinusundo noon pero ngayon nag-commute na siya. Baka trip lang niya, ano naman pake ko sa kanya?
Isinantabi ko na lang ang aking iniisip nang makita kong may paparating nang bus at huminto ito sa tapat ko. Tumayo na ako at pumasok nung atomatikong nagbukas ang pinto ng bus saka ako umakyat. Agad akong naupo sa bakanteng upuan sa may pangatlong upuan sa may left side ng bus at pagkaupo ko hindi ko inaasahan na tatabi sa ‘kin si Adam na talagang kinagulat ko.
Bahagya akong napatayo at sinilip ng pasahero. Puno na pala ang bus, kaya na upo na lang uli ako. Nakasuot siya ng gray jacket kaya tinago niya ang ulo niya sa hood nito. Humarap na lang ako sa bintana at hindi na siya pinansin.
Ilang minuto akong nakatitig sa labas ng bintana habang nasa biyahe nang may maramdaman akong may dumikit sa balikat ko kaya sinulyapan ko ito, bahagya akong nagulat nang nakasandal na si Adam sa balikat ko, pilit kong inaalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko pero hindi ko maalis at nang silipin ko siya nahihimbing na pala siya. Inayos ko na lang ang upo ko para maayos din siyang makapagsandal sa balikat ko.
Mukhang pagod siya, natural man siguro ‘yon lalo na kong SSG president ka ng malaking campus at marami kang trabahong aasikasuhin maliban sa pagiging estudyante. Halos malapit na kami sa bababaan namin nang hindi pa rin siya nagigising, “hoy,” tawag ko sa kanya habang yinuyugyog ko ang ulo niya ngunit hindi pa rin siya magising.
“Adam,” tawag ko sa kanya at muli kong nilingon ang unahan. Muli ko siyang binalingan at tinulak na ang ulo niya dahil doon nagulat siya. Sumigaw naman ako, “para kuya!”
Halos naagaw ko ang atensyon ng lahat ng pasahero ng bus lalo na siya na nagtatakang nakatingin sa ‘kin. Akala mo kong sinong hindi nakasandal sa balikat ko.
“Excuse me,” pilit kong ngiti sa kanya.
Saka naman siya tumayo at naunang naglakad dahil parehas man lang kami ng bababaan. Nakasunod naman ako sa kanya. Hindi ko na napansin kong na saan siya pagkababa ko kaya hinayaan ko na lang.
Napatingala ako sa kalangitan dahil nagtatalo ang kulay asul at kahel na kulay doon. Napansin kong may kasabay akong maglakad pero nasa kabilang sidewalk at lingunin ko kong sino, si Adam lang pala. Napalingon din siya sa ‘kin pero wala naman akong nakitang emosyon sa kanya kaya hinayaan ko na lang hanggang sa kumanan na ako sa kabilang kalye at hindi na siya nakita pa.
DUMATING ang Sabado at agad na akong dumiretso sa school pagkatapos kong mag-asikaso. Medyo hindi rin natuwa sila mama sa nalaman nila pero wala naman silang magagawa at pinaintindi ko na lang na isang bagay na pinagmamalaki ko sa kanila dahil maiintindihin sila.
Pagkarating ko sa public garden si Adam pa lang ang naroon. Agad akong lumapit sa kanya. “Na late ba ako at tapos na kayo?” Tanong ko sa kanya.
Umiling siya, “wala pa sila at ikaw pa lang ang nandito.”
Napabuntong-hininga ako at naupo sa tabi ng bench na kinauupuan niya, “oo nga naman ano nga maasahan natin sa kanila lalo na kay Kent,” sabi ko.
Napansin ko sa may paanan niya na nakahanda na yong panglinis na mga walis at dustpan. Tinignan ko ang buong laki ng public garden, napakalawak at malaki nga siya kaya hindi ito mauubos lang ng kalahating oras lalo na kong ma-late pa yong dalawa. May session pa naman mamayang hapon sa St. Jude, saka ko naalala na pupunta kaya itong tatlong lalaki doon?
Nawala ako sa pag-iisip nong dumating si Kelly na hingal na hingal na humito sa amin, “sorry kong na late ako, may dinaanan pa ako eh, mag-uumpisa na ba ako?”
“Wala pa yong isang kasama ninyo,” sagot ni Adam.
Habang nag-uusap silang dalawa napansin ko ang pag-angat ng sleeve ng jacket niya at may mga bagong sugat sa pulso niya. Bigla naman niyang hinila pababa para matago ang sleeve niya at muli kong binalik ang tingin sa mukha niya. Hindi siya makatingin sa ‘kin na para bang iniiwasan niya ako. Sinasaktan na naman ba kaya niya ang sarili?
Mga ilang minuto nong dumating si Kelly saka naman sumunod si Kent na para bang bugnutin na naman at may bagong pasa kanyang mukha. “Simulan na natin ito para makauwi na ako.”
Napangiwi naman ako, “kakarating mo pa lang uuwi ka na?”
Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya hindi na ako umimik. Kumuha siya ng walis ting-ting at dustpan saka siya nag-umpisang maglinis kahit na nakasuot siya ng mamahaling damit wala siyang pakialam kong marumihan siya. Sumunod naman si Kelly sa pagkuha ng paglinis at nagwalis na rin.
Kukuha na sana ako nang agawin ni Adam yong kinuha kong pang linis, “ako na?”
“Huh, anong ako na? Maglilinis ka rin, edi kumuha ka rin ng bago sa ‘yo, ‘wag yong mang-aagaw ka pa…”
“Ako na nga sabi,” sabi niya uli.
Hindi ako nakaimik at hindi ko alam kong anong trip niya.
“Ako na lang yong maglilinis ng para sa ‘yo. Dyan ka na lang at maupo.” Saka siya lumayo sa ‘kin at sumama doon sa dalawa pang binata sa paglilinis. Naupo naman ako sa bench at napabuntong-hininga niya.
Hindi ko talaga alam ang trip niya at nakakapagtaka ng sobra. Habang naglilinis sila kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera app para picture-an sila dahil nakakatuwa silang tignan. Ilang beses ko pa silang kinunan ng litrato bago ako tumigil.
Narinig ko namang nag-iinarte si Kent habang nagwawalis sa tabi ni Kelly, “may janitor at tagalinis naman dito tapos tayo pinaglilinis…Hoy!” Sigaw niya kay Kelly na napagngiwi sa ‘kin, “doon ka ‘wag mo kong agawan ng puwesto rito,” sabay linis muli siya. Minsan hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isip ng lalaking ito.
Halos pagod na pagod na sila nang makapagpahinga na sila at kalahati na lang ang lilinisin. Hindi man lang nila napansin na hindi ako naglinis kaya naawa rin ako lalo na kay Adam. “Sino gusto ng pagkain?” Tanong ko sa kanila kaya isa-isa silang napalingon sa ‘kin na nagtataka at nagpupunas pa ng pawis si Kelly sa mukha.
“’Wag kayong mag-alala, libre ko,” masaya kong anunsyo, “may masarap na kainan dyan sa labas ng campus, halika na,” pagkukumbinsi ko sa kanila.