Chapter 52 Kinaumagahan nagising akong wala ang mga magulang ko, wala rin akong panahon para hanapin sila at kahit na may almusal naman sa bahay hindi na ko kumain. Binaon ko na lang yong ilan at nilagay sa Tupperware. Hindi na rin ako nagpahatid sa driver namin at gusto ko na lang sumakay ng bus. Parang daily routine ko na rin sa umaga lalo na’t may gusto rin ako makasabay minsan sa pagpasok at minsan lang ako maswertehan. Hindi ko siya nakakausap, kahit papaano nagkakasabay kami at malaking bagay na ‘yon sa ‘kin. Namilog ang mga mata ko nong makitang sumakay na siya sa bus at papaalis na ito. “Teka! Teka! Sasakay ako!” Tumakbo na ko at buti na lang napansin ako nong driver. Pagpasok ko agad sa bus agad kong tinap yong beep card ko para sa pamasahe at bigla na lang umandar yong bus. “A