Chapter 41 Nabigla at nagising ako nong umagang ‘yon nang makarinig ako ng kalabog sa kabilang silid. Nagsisigaw na boses lalaki, nagmumura siya ngunit pamilyar ang boses na ‘yon, kahit ayaw ko pang bumangon, umalis ako sa kama ko at sinuot ang cardigan na binigay sa ‘kin ni Adam nong pasko bago ako lumabas. Hindi pa ako nag-aayos at naghihilamos man lang nong tuluyang lumabas ako ng silid. May ilang pasyente rin sa ward na ‘yon na bulabog kong sino man siya at nagsilabasan sa kanilang mga silid. Sumulip ako sa katabing silid ko, may tatlong nurse na lalaki at pinatutulungan nilang hawakan si Adam. Gustong lumapit sana ngunit hindi pwede at baka mapagalitan na naman ako katulad kagabi. Pinapanood ko lang ang ginagawa nila. “Na saan ang papa ko? Na saan siya?” Sigaw siya ng sigaw. Napa