Chapter 55 Hindi lahat palaging masaya at hindi lahat ng pagkakataon pumapabor sa ‘yo ang tadhana. Sa sobrang saya ko kay November at sa mga kaibigan ko nakalimutan ko ‘yong problema ko sa bahay. Napakasakit sa isang anak na lumaki ka at hangga’t sa pagtanda mo na nakikita mong unti-unting nasisira ang pamilya mo dahil lang isang pagkakamali na paulit-ulit din nilang ginagawa. Ako ang napapagod at nagsasawa sa kanila. Bagong taon na bagong taon pero heto ako mag-isang nakaupo sa hapag namin, puno ng mga masasarap na pagkain pero napapagitnaan ako ng dalawang nagtatalo ng dahil na naman sa pagiging mag-asawa nila at hindi matapos na sumbatan. “Mas magandang maghiwalay na tayo!” Sigaw ni mama kay papa kaya napasulyap ako, “hindi ko na kaya ‘tong pamamahiya mo sa ‘kin at sa pamilya ko!” “B