Gulat, takot, pag asa, pagtataka, sakit at lungkot. Yan ang iilan sa emosyon na nararamdaman ng karamihan sa ngayon. Maraming namatay, marami ang nasugatan. Patay lahat ng miyembro ng Chase Phantom at ang natitira na lamang ay ang Hari nito. "Magtutuos tayong muli" sabi ng Hari at tumawa na mala demonyo. "Sa pagkakataong ito di ka na maari pang mabuhay. Marami ang nagbuwis ng buhay at hindi ako makakapayag na mauwi ito sa wala" kalmado namang sabi ng Reyna. "Mga walang kwentang alagad" inis na sabi ng Hari ng Chase Phantom, si Hector at dumura. "Pagkatapos nilang ialay ang buhay nila para paglingkuran ka hindi mo man lang kikilalanin ang presensya nila?" Kahit na inalis sa kanya ang katangiang magalit ay batid pa rin ng karamihan ang galit na namumuo sa puso ng Reyna. Hindi nya lamang