"ITS NOT ENOUGH. YAN LANG BA ANG KAYA NYO? HINDI NYO NA BA KAYANG BILISAN? LAKASAN? ALALAHANIN NYO MALAPIT NA" sigaw ni Jaja at napailing na lang kami sa kanya. "Jaja is really scary" dinig kong sabi ni Shems. Lahat kasi ng dual sword si Jaja ang nagtetrain sa kanila tutal expert na sya dun. Si Vinle naman ang nagtetrain sa mga healers, si Jasper sa mga spirit related na power, si Chiaka tinuturuan ng mga strategy ang mga kagaya nya ng powers, si Renji nakikipaglaban sa mga Wind manipulator, si Maya tinutulungan ang mga minor power para makalaban gaya na lang ng speed, telekinesis at iba pa and ako eto nagpapahinga kami dahil kakatapos lang namin mag training. "Hindi naman talaga sya nakakatakot sadyang seryoso lang yan dahil utos ng Reyna" sagot ko sa kanila saka tumingin sa kanila