"I'm sorry pero wala akong kapangyarihan para tanggalin ang lason na usok sa katawan ni Jaja. Hindi to kaya ng healing powers ko. Sorry" Pagkasabi samin ni Dia isang healer dito sa academy ay halos hindi kami makapagsalita, ni hindi din ako makaiyak pero si Maya pagkasabi nun ay agad syang lumabas ng clinic ng school alam naming gusto nyang mapag isa kaya naman pati ang kakambal nya hindi sya sinundan. "This is rare" napatingin naman kami kay Shao habang nakatitig kay Jaja. "Panong rare?" tanong naman ni Jasper na nasa tabi ni Jaja. Simula kanina ni hindi nya iniwan si Jaja, mahigit tatlong oras din syang ginamot ng mga healer pero napahinto nga nila ang pagkalat ng lason sa katawan ni Jaja ang problema naman ay nasa buong katawan na nya ang lason bali ang nagawa na lang ng healer a