Vinle's POV
Nang maramdaman namin ang pagtawag sa amin ni Rika ay agad kaming pumunta doon at naabutan namin sila na kasamabyung transferee naming classmate at may tatlo pang lalaki.
Nakakapagtaka dahil hindi man lang nagsasalita si Mina para depensahan ang sarili nya parang alam nya ang nangyayari? O baka guni guni ko lang yun?
"Mukhang hindi kayo papatalo" napatingin naman ako kay Jaja.
Kung noon takot kami sa kanya pag hindi namin sya sinusunod ngayon naman ay kahit anong sabihin nya sinusunod namin akalain mo yun kaya pala sya ang gusto ni tita magmana ng school nila dahil meron syang leadership.
Magkatinginan kami at saka nagkibit balikat at naglakad na si Jaja sumunod naman sa kanya si Chiaka. Napatingin naman ako kay Mina na nakangiti ngayon, namamalikmata lang ata ako na nakikita ko sa kanya sya.
"Ano walang balak sumunod? Tutunganga na lang ba kayo jan?" Agad naman kaming napatayo ng maayos at saka sumunod sa kanya "Mina ikaw ang may dala sa kanila dito sa school na to kaya naman ikaw ang responsable sa pwedeng mangyari! Nainvolve sila." Dagdag pa ni Jaja at nag nod naman si Mina.
Mukhang ihahatid na nila itong tatlong to kila lolo, I can sense na may something sa tatlong to dito kay Mina. Kilala ba nila? Pinauna kasi nila si Mina tapos nasa likod sila at parang alerto sila. Nababaliw na ba ako dahil sa sobrang pagtetraining?
"May problema ba?" Napatingin naman ako sa nagsalita at si Maya lang pala, ngumiti naman ako.
"Hindi ko kasi malaman ang galaw nilang apat. Mali, lima pala. Ang tatlong lalaking yan, si Mina at si Naomi" nag nod naman sya na parang nagtataka din sya.
"Sa totoo lang hindi ko sila nakikita sa ibang parallel" mahina nyang sabi "Sa ibang parallel nakatira ang ibang tayo pero sila hindi ko pa sila naeencounter kahit saang parallel." napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya at napatingin sa apat.
"Mina" napatingin kami sa nagsalita at napataas naman ang kilay ng mga girls dahil sa reaksyon nya ng makita ang tatlong lalaki. Okay "Mina naman saan ka ba nanggaling? Nataranta ako ng di kita makita sa kama mo"
"Pasensya na Naomi nagpahangin lang ako sa labas tapos nakita ko silang tatlo nagpapasama kaya sinamahan ko"
Weird. Bakit parang wala lang sa kanya na sya ang kasama ni Mina? Bakit parang sigurado pa sya? Sino ba tong tatlong to?
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng di na magkumento ang mga babae kong kaibigan pero alam ko na kumg ano ang nasa isip nito at mamaya magsasalita to sa dorm namin.
"Atras kayo" paalala ni Renji ng makarating kami sa may bandang gilid ng hagdan.
Agad naman syang sinunod at nagcast na ng spell si Chiaka para makapasok. Agad naman kaming pumasok at naglakad sa napakahabang hagdan.
"Bakit ganito? Ang haba" reklamo ni Naomi.
Napangiti naman ako dahil sa reklamo nya at nailing na lang kami. Ganyan na ganyan din kami noong una naming punta dito grabe din ang reklamo namin.
Pagdating sa harap ng pinto ay hingal na hingal si Naomi pero hindi ko nakita ang kakapusan ng hininga nila Mina. Hindi ba sila naiintimidate sa presense sa loob ng room na to? Nakakaya nilang tagalan?
Kumatok si Chiaka at saka naman sinipa ni Jaja dahil hindi naman maririnig nila lolo at lola ang pagkatok ni Chiaka nakita ko namang nakangiting nailing si Mina, may alam ba sya? Kilala nya ba kami? Sino ba talaga sya?
"Clear your mind" sabi ni Maya at nag nod naman ako.
Talagang kailangan ko iclear ang mind ko dahil papasok kami sa room nila lolo pagsasabihan lang ako ng mga yun pag magulo ang isip ko. Dapat daw lagi kaming kalmado at may wisdom para daw pagdating ng susunod na digmaan ay hindi kami pangungunahan ng panic.
"Jaja hindi ka talaga marunong kumatok no?" Napairap naman si Jaja sa sinabi ni lolo January.
"Kumatok si Chiaka ng tatlong beses" wala nyang ganang sabi at umupo sa sofa.
"Wag ngayon January may bisita sila" sabat naman ni lola February.
"Sino sila?" Tanong naman ni lolo March.
"Sino may dala sa kanila dito?" Tanong naman ni lola April.
Nakita ko naman ang pagngiti ng konti ni Naomi, they aren't affected to their presence sino sila?
Napatayo naman silang tatlo at nag bow, hindi bow ng isang japanese o di kaya ng korean. Bow ng isang sundalo.
"Ako si Shao at sila naman si Fei at Korotski, ipinadala kami dito ng Mahal na Reyna para tulungan kayo" sabi ng lalaking may brown na buhok.
Napakunot naman ang noo namin pero nutral lang ang mukha nung dalawa para bang alam na nila ang mangyayari.
"Mahal na Reyna?" Takang tanong ni lolo June. Tumayo naman sila ng maayos saka tumango yung blonde na buhok na si Fei daw.
"Opo. Kami po ang personal guard ng Reyna ng Forbidden world"
Napatigil naman sa ginagawa ang mga lolo at lola namin at agad napatingin sa tatlo na nakatayo ngayon sa harap nila at nanlalaki ang mata at agad nilang pinaupo.
"Special Legendary at kayong dalawa pwede bang maiwan nyo muna kami?" Nag nod naman kami.
Walang sali salita at umalis na kami masyadong seryoso ang mukha nila para makipag biruan. Alam naman namin kung kelan pwede at hindi pwede makipag biruan kila lola at ngayon ay hindi pwede.
Agad naman naming pinabalik ang dalawa sa dorm nila at bumalik na rin kami pero bago yun tinawagan na muna namin si Shana at Makoto na pumunta sa dorm namin.
"Oh anong meron at hatinggabi na pinapunta nyo pa kami dito?" Nakapikit na sabi ni Shana habang inaayos ang buhok nya.
"May problema ba?" Dagdag naman ni Makoto.
Nagkatinginan naman kami kung sino ang magsasalita at lahat kami ay napatingin kay Jaja at napabuntong hininga naman sya sabay umiling at nalangiti naman kami ng umirap sya.
Alam na nya yun na sya ang gusto namin magsalita sya ang nakakaalala kung ano ang nangyari sa amin sa loob.
"May alam ba kayo tungkol sa Forbidden World?" Tanong ni Chiaka at mapadilat naman si Shana at napatingin sa kanya si Makoto.
"The same expression" sabi ni Maya na sinang ayunan namin.
"Nagkainteres ata kayo sa myth" sabi Shana at umupo ng maayos.
"Myth?" Tanong ko
"Oo. Dito sa atin isang Myth ang Forbidden World. No one knows about it. Kung anong parallel sya kabilang" sabi ni Makot.
"Ang sabi nila hindi naman daw talaga nag eexist ang mundong yun pero may nagsasabi din naman daw na nag eexist. Sa totoo lang wala pang basis talaga kung totoo yun o hindi pero naniniwala ako" sabi ni Shana. "Naalala ko pa noon ang mukha ng Reyna ng Forbidden World sobrang amo pero sya ang kalaban namin. Huli na nya narealize na mali ang mga taong tinulungan nya."
"Queen Riona is her name. She's so elegant and her presence can suffocate. Muntik na kami matalo noon pero narealize ni Queen Riona na hindi maganda ang intensyon ng Chase Phantom kaya sa bandang huli tinulungan nya kami at natalo ang Chase Phantom"
Queen Riona.
"Its been a hundred of years and hindi namin sigurado kung buhay pa ba si Queen Riona o hindi na dahil pagkatapos ng digmaan nawala na lahat ng kawal nya at walang bakas ng Forbidden World sa mundo natin" dagdag naman ni Shana sa kwento ni Makoto. "So bakit? Paano nyo nalaman ang tungkol sa Forbidden World? Wala namang libro tungkol doon at walang nabanggit ng tungkol doon" tanong ni Shana samin at nag hintay silang dalawa ni Makoto ng sagot.
Kung tutuusin magtataka talaga sila dahil wala naman talagang libro tungkol doon. Madalas ako sa library dahil sa mahilig ako magbasa pero hindi ako nakakita ng libro na tungkol nga sa Forbidden World.
"Ang totoo nyan kanina may nakita si Mina na tatlong lalaki at ang tatlong lalaki na yun ay gustong makita sila lolo, ang Twelve Phantom at ng makita nila sila lolo nagpakilala sila na silang tatlo ang personal guard ng Forbidden Queen."
Napatigil naman silang dalawa at napatayo. Ano namang problema ng dalawang to? Wag nilang sabihin na kilala nila.
"Hindi kaya" napatingin si Shana kay Makoto after nyang sabihin yun.
"Baka nga sila Shao, Fei at Korotski yun"
Napatugil naman kami ng mabanggit nila ang pangalan ng tatlong lalaki.
"Sila nga yun" sabi ni Rika at agad naman nawala ang dalawa sa dorm namin.
Nagkatinginan kami at nagkibit balikat saka namin napagdesisyunan na matulog na lang. Tomorrow malalaman namin kung bakit sila nandito.