NATIGIL ang kamay ni Mia sa ere na may hawak na paint brush nang marinig niya ang pagbukas ng gate at ang pag-alis ng sasakyan ng stepfather niya. She looked at her wristwatch, and it was already ten in the morning. Ibinaba ni Mia ang hawak na paint brush at palette sa may lamesa. Nagpunas siya ng kamay upang matanggal ang oil paint na dumikit saka siya lumabas ng kwarto. Hinanap ni Mia ang ina at natagpuan niya ito sa hardin. Nagtatanim ito ng halaman sa may paso. Mia looked at her mother. Since her mother married Johan, she had witnessed how happy her mother was. At first, her mother didn’t want to get married, but her stepfather was persistent in pursuing her mother. Mia smiled. She walked towards her mother. “Ma.” “Oh, anak? Bakit? May kailangan ka ba?” “Gusto ko po sana kayong

