“THANK YOU, Ma’am. Come again.” Wika ng saleslady matapos ibigay kay Mia ang binili nitong cake.
Ngumiti naman si Mia at tumango. “Salamat rin.” Aniya saka umalis na ng cake shop kung saan siya bumili ng cake.
Mia looked at the cake she had bought. Her parents were not home because they were on a business trip. Kaya naman dalawa lamang sila ng kapatid niya sa bahay nila. Pero hindi naman ito mahilig sa cake kaya mag-isa lamang siyang kakain sa binili niyang cake. Wala naman silang katulong dahil ‘yon ang gusto ng kaniyang ina. Though, once a week, they hire cleaners to clean the house. Hindi naman kalakihan ang bahay nila. Sakto lang para sa isang pamilya.
Biglang natigilan si Mia nang makita niya si Austin. Nawala rin ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang may babaeng nakaligkis sa braso nito. Nagtatawanan pa ang dalawa habang palabas ng restaurant.
Ngumiti na lamang si Mia.
May girlfriend na pala si Austin. Kaya naman mabuti na lang at pumayag siya sa blind date na sinasabi ng kaniyang ina.
Now, Austin has a girlfriend. It’s better if she forgets about her feelings for him. It’s not healthy for her. It’s not too late to step back. The feeling she had for him was not yet too deep. There was still hope of forgetting about it.
Tumalikod si Mia saka nagtungo sa sakayan ng bus. Hindi na siya lumingon pero nakita pala siya ni Austin at tinawag pa siya nito.
Pero hindi alam ni Mia pero nalungkot siya sa nalamang may girlfriend na pala ang crush niya. But it was okay, crush lang naman niya si Austin.
Mia heard her phone ringing. Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinignan kung sino ang tumatawag. She smiles, seeing that it was her mother.
“Ma.” Pagsagot niya sa tawag ng ina.
“Anak, don’t forget your blind date this Friday. Magpaganda ka.” Sabi ni Camila.
Mia rolled her eyes. “Ma, tumawag lang kayo para ipalala ‘yan.”
“Syempre naman, anak. Baka kasi makalimutan mo.” Natatawang saad ni Camila.
Napailing na lamang si Mia. “Don’t worry, Mom. Pupunta ako pero isasama ko si Audrey. Natatakot akong walang kasama."
"Don’t worry, anak. Hindi naman kayo magtatagpo sa walang tao. I picked a restaurant for you and your blind date’s mother paid for it.”
Napatango si Mia. “His mother was supportive?”
Natawa na lang si Camila. “Just like me. Nag-aalala siya na baka hindi na makapag-asawa ang anak niya. Malapit ng mag-thirty pero wala pa raw girlfriend.”
Mia was surprised. “So, my blind date was nearly thirty years old?”
“Yes, anak.”
“Ma, pwedeng umatras?” tanong ni Mia. “Baka naman bakla?”
Hindi akalain ni Mia na ganun na pala katanda ang ka-blind date niya. She’s just twenty-two. It’s no wonder that her blind date’s mother was pushing her son to go on a blind date. No girlfriend, then that’s good. Was there no girlfriend, or was her blind date gay?
“Anak naman. Hindi ka na pwedeng umatras dahil nasabi ko na sa nanay ng ka-blind date mo na pupunta ka. Mapapahiya namna ako, anak.”
Mia pouted. “Fine.”
Nag-usap pa si Mia at ang kaniyang ina ng ilang bagay bago ito nagpaalam.
Nang may pumaradang mini-bus sa kaniyang harapan, sumakay na siya at umuwi.
Pagkauwi ni Mia, kinuha niya ang coat ni Austin na naka-hanger saka ito nilagyan ng transparent na coat bag. Napagdesisyunan niyang ibalik na lang ito. Mabuti na lang at nilabhan niya ito kahapon. Ibabalik na lamang niya kay Austin ang coat nito bukas.
AFTER CLASS in the morning, nagpaalam si Mia kay Audrey na may pupuntahan lamang.
“Kanino ba ‘yan?” tanong ni Audrey habang nakatingin sa coat na hawak ni Mia.
Umiling si Mia saka isinampay sa braso ang coat na nakalagay sa transparent na coat bag. “Secret.” Aniya. Ayaw nga niyang sabihin dahil alam niyang aasarin lamang siya ni Audrey.
Audrey grinned. “Sa boyfriend mo ‘yan?”
“Sira. Wala akong boyfriend.” Sagot naman ni Mia saka nagmamadaling umalis bago pa man makapagtanong si Audrey.
Natawa na lamang si Audrey saka napailing.
Mia went to the Esquivel Royal Real Estate Company. Pagpasok niya sa lobby, dumeretso siya sa receptionist.
“Good morning, Ma’am. What can I do for you?” tanong ng receptionist.
Ngumiti si Mia saka inilapag ang coat sa counter, sa mismong harapan ng receptionist. “This coat was for Austin Zyair Esquivel. Pakibigay na lang sa kaniya.”
“Ma’am?” nagulat ang receptionist.
“Pag-aari ng president niyo ang coat na ‘to.” Sabi ni Mia. “Pakibigay na lang sa kaniya. Then she turned her back and left.
Eksakto naman na bumukas ang elevator at lumabas si Austin kasama ang assistant nito.
“Excuse me, Sir.” Pagtawag ng receptionist sa atensiyon ng President ng Esquivel Royal Real Estate.
Austin looked at the receptionist. “Yes?”
“Sir, may nagbalik po ng coat niyo.”
Mabilis na lumapit si Austin sa receptionist. Tinignan niya ang coat niya at naalalang ito ang ibinigay niya kay Mia. “Nasaan siya?”
“Umalis na po.”
Bumagsak ang balikat ni Austin saka kinuha ang coat. Napatigil siya nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na coat.
Austin sighed after seeing it was his mother who was calling him.
“Yes, Mom?” Pagsagot niya sa tawag ng ina.
“Umuwi ka dito sa bahay. May sasabihin ako.”
“Mom, alam ko na kung ano ang sasabihin mo. May blind date ka na naman para sa akin.”
Austin’s mother, Katrina, grinned. “Mabuti naman at alam mo.”
“Mom, I’m busy. I can’t—”
“Austin,” Katrina warned.
Napalunok si Austin. Though he was already twenty-eight. His mother’s warning voice was still the scariest for him. Napabuga siya ng hangin. “Fine, Mom. Uuwi ako.”
“I will cook for you.”
Ramdam ni Austin ang pagtaas ng kaniyang balahibo. “No need, Mom.”
Honestly, his mother is not a good cook. Ang ama niya lamang ang nakakatiis na kumain ng niluluto ng kaniyang ina. His mother’s cooking was burnt, sometimes bland, too much salt or overcooked. Though he can’t blame his mother dahil pareho silang hindi marunong magluto. That’s why his father hired two chefs, so his mother wouldn’t cook.
Even though Austin didn’t want to go home, he was forced to.
Pagdating ni Austin sa kanilang bahay, tinanong niya ang isang katulong kung nasaan ang kaniyang magulang.
“Nasa kusina po sila, Sir.”
Gustong umatras ni Austin pero nakapangako na siya sa ina na uuwi siya kaya naman dumeretso siya ng kusina. Pagpasok niya sa kusina, nakita niya ang ama na kumakain ng pancake pero sunog kaya alam niyang niluto ito ng kaniyang ina.
“Son, you’re here. Come here and help me eat this,” Alexander, Austin’s father, asked for help.
Austin sighed. “Sorry, Dad. I have eaten.” Aniya.
Bumagsak ang balikat ni Alexander.
Austin looked at his mother. “Mommy, maawa kayo kay Daddy,” aniya. Pero sigurado siyang immune na ang tiyan ng kaniyang ama.
Natawa naman si Katrina. “Hayaan mo ang Daddy mo diyan. Halika rito.”
Umupo naman si Austin.
“Look at this picture.” Ani Katrina saka ipinakita ang picture ng ka-blind date ng anak. “This is her.”
Mabilis na kinuha ni Austin ang larawan saka napatitig sa babaeng nasa picture. It’s her.
Katrina saw the interest in her son’s eyes. Her son was not interested in any blind dates kaya naman nakakapagtataka na makita niyang interesado ito. “She’s still in college but graduating this year.”
Austin keeps staring at the photo. He didn’t expect it to be her.
“Kung ayaw mo naman, irereto ko na lang sa pinsan mo.” Sabi ni Katrina saka kinuha ang larawan pero inagaw ni Austin ang larawan mula sa kaniyang ina.
Austin smiled. “Mom, let me go.”
Katrina frowned. “Anong panis na pagkain ang nakain mo, anak?”
“Mom, kapag hindi ako pupunta, may sinasabi kayo. Ngayon na pupunta ako, may sinasabi pa rin kayo. Ano ba talaga?”
Itinulak ni Katrina ang ulo ng anak. “Shut up. Nanay mo ako. Don’t question me. Ano? Pupunta ka talaga?”
Tumango si Austin. “Yes, Mom.”
“Siguraduhin mo lang, bata ka. Dahil kapag niloloko mo, puputulin ko ang kaligayahan mo.” Banta ni Katrina.
Mabilis na tumayo si Austin saka umatras palayo sa ina.
Natatawa naman si Alexander saka napapailing na lamang dahil sa mag-ina niya. Pero napangiwi siya nang malasahan ang sunog na pancake na niluto ng asawa.
Austin laughed at his father’s misery. Tinignan lang naman siya ng masama ng ama bago ito nagpatuloy sa pagkain.
Ayaw niyang kumain ng sunog na niluto ng kaniyang ina kaya naman nagpaalam siyang pupunta siya sa kwarto. Of course, his mother would agree because he agreed to the blind date. She arranged for him.
And Austin was excited to meet his blind date.
“Mom.” Tawag niya sa ina nang bigla siyang may maalala. Nasa pintuan na siya ng kusina.
“Yes, son?”
“What’s her name again?” Austin asked.
Ngumiti si Katrina. “I won’t tell you.”
“Bakit naman, Mom?”
“It’s better if you ask her name personally.”
Austin didn’t force his mother. “Fine.” Then he left the kitchen.
Austin smiled. “Finally. I will meet her again, and as my blind date this time.”