“LET GO!” Hinila ni Mia ang kamay na hawak ni Austin pero kahit anong piglas niya mas malakas pa rin ito sa kaniya. “Saan mo ba ako dadalhin? Hindi mo naman ako kailangang hilain.” Tumigil si Austin sa paglalakad kaya naman napatigil rin si Mia. Nasa isang mall sila at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng lalaki. “Mall.” Sagot ni Austin. Mia rolled her eyes. “Alam kong nasa mall tayo pero ang gusto kong malaman ay kung anong ginagawa natin dito?” tanong niya. “Ano bang ginagawa ng mga tao dito sa mall kung pupunta sila dito?” tanong ni Austin. Kalmado lang siya habang si Mia ay parang uusok na ang ilong nito dahil sa inis. “Ewan ko sa ‘yo,” wika ni Mia saka hinila ang kamay pero hindi binitawan ni Austin ang kamay niya. “Let go.” “Ayaw ko nga.” “This is not the gentleman

