MIA woke up in Austin’s bed. Pagtingin niya sa kaniyang tabi, wala na ang binata. May nakalagay na lamang na bulaklak at post-it-note sa unan nito. Kinuha niya ang post-it-note at binasa ang nakasulat. ‘Good morning, Hon. Pasensiya ka na. Kailangan kong maagang pumasok sa opisina. I love you.’ Napatitig si Mia sa huling salita na nakasulat sa post-it-note. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “I love you too.” Aniya. Sa apartment siya ni Austin natulog kagabi. May damit pantulog na nga siya rito, eh. Austin bought it for her para raw may gamitin siya tuwing nandito siya sa apartment ng kasintahan. Dito siya natulog pero walang nangyari. Hanggang tabi lamang sila sa kama. Pumasok si Mia sa loob ng banyo. She did her morning routine, took a bath and got dressed. Pumunta siya sa kusina at