MIA SMILED after she took out the Chocolate Chip Cookies from the oven. Inamoy pa niya ito at napapikit na lamang siya sa bango. Inilapag niya ang mainit na tray sa lamesa na kinalalagyan ng ginawa niyang Chocolate Chip Cookies. It was one of her favorite desserts.
Inilipat niya sa pinggan ang cookies. Pinalamig niya muna ito saka siya kumain. Akmang isusubo niya sana ang cookies na hawak niya nang tumunog ang doorbell sa gate.
Nagtaka si Mia. Sino naman kaya ang darating na bisita nila? Wala naman siyang inaasahan at wala namang sinasabi sa kaniya ang kaniyang magulang na darating.
Kung si Charles naman ‘yon, malamang hindi na ito magdo-doorbell. Wala si Charles dahil nasa kapitbahay ito at nakikilaro. At sigurado siyang mamayang hapon pa ang uwi nito lalo na kung napasarap ang laro nito kasama ang mga anak ng mga kapit-bahay nila.
Ang magulang naman niya… nasa kwarto at nagpapahinga dahil napagod ang mga ito sa biyahe.
Hawak-hawak ni Mia ang isang cookies na may kagat na, lumabas siya ng bahay at tinungo ang gate. Nagulat siya nang makita si Austin na siyang nasa labas.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Mia.
Austin waved his hand. “Hi, Camille.” Then he answered Mia’s question. “Pinapasyal ka.”
Mia rolled her eyes. “Umalis ka na nga.”
“You’re so heartless, Mia,” Austin said and cupped his heart. “It breaks my heart.”
Mia rolled her eyes again. “Itigil mo nga ang pagda-drama mo. Hindi bagay sa ‘yo.”
Sumeryoso naman agad si Austin. “Well, hindi mo ba ako papasukin?” tanong niya.
“Anong kailangan mo?” tanong ni Mia.
“May ibibigay lang ako sa magulang mo.”
Inilahad ni Mia ang kamay na walang hawak na cookies. “Just give it to me.”
Ngumiti si Austin. “I will personally give it to your parents.”
Napabuga ng hangin si Mia saka binuksan ang gate. Hindi na siya nakipag-argumento dahil mapapagod lamang siya. “Pasok ka.”
Mabilis na pumasok si Austin. Nakita niya ang hawak ni Mia na cookie. Kinuha niya ito at kinain.
Nagulat naman si Mia sa ginawa ng binata. Bahagya pang lumaki ang mata niya. “That’s mine!” she exclaimed.
Nagkibit lang naman ng balikat si Austin habang nakangiti. “Kinain ko na.”
Sumama ang tingin ni Mia kay Austin. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay may umaagaw ng pagkain niya.
“You look cute when you’re angry, Camille.”
Ramdam ni Mia ang pag-init ng mukha niya pero wala siyang pakialam. Mabilis na umigkas ang kamao ni Mia patungo mukha ni Austin pero mabilis na nakailag ang binata.
Austin smiled. “That was fast, Camille.”
Mia stomped her foot and turned back to Austin. Isinara niya ang gate bago siya bumalik sa loob ng kabahayan.
Sumunod naman si Austin kay Camille habang napapailing na lamang.
“Camille, don’t be angry,” Austin coaxed Mia.
Mia looked at Austin. Tinakpan niya ang cookies na nasa lamesa. “Huwag kang kumuha.” Aniya saka binuksan ang ref.
Lumapit naman si Austin sa cookies na tinakpan ni Mia. “And if I did?” akmang bubuksan niya ang takip nang biglang humarap si Mia.
“I’m going to kill you, Austin!” Mia threatened Austin with a sharp gaze.
Austin quickly took several steps away from Mia. Baka totohanin nito ang sinabi nito. Mia looked serious right now and scary. At kung baka kumuha siya ng cookies nito, baka nakahandusay na siya sa sahig at wala ng buhay.
“Anak, bakit ang lakas ng boses mo? Nag-aaway na naman ba kayo ng kapatid mo?” tanong ng ina ni Mia na pumasok ng kusina.
Nagulat pa si Camila nang makita si Austin sa kusina nila.
“Tita.” Bati ni Austin. He also politely nods his head.
Ngumiti si Camila. “Austin? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
Instead of answering, Austin looked at Mia.
Camila understood what Austin’s reaction meant. Ngumiti na lamang siya. “You’re here for Mia?”
“Ma, may ibibigay daw po siya sa inyo kaya siya nandito.” Sabad ni Mia.
Kinuha naman ni Austin ang invitation na nasa bulsa ng suot niyang coat. “Tita, pinamimigay po ni Mommy.”
Camile took the invitation from Austin. Tinignan niya ito saka siya tumango. “Don’t worry, pupunta kami.”
Tumango si Austin. “Sasabihin ko po kay Mommy.”
Do we have to act right now? Mia asked herself while looking at Austin. Tumingin naman sa kaniya ang binata. They gave each other a knowing look.
Austin smiled and walked towards Mia. “Can I stay for lunch?” he asked gently.
Mia looked at her mother and saw her watching them. Tumingin siya kay Austin saka ngumiti ng pilit. “Sure.” Aniya. Then she looked at her mother again. “Ma, can Austin stay for lunch?”
“Oo naman. Feel at home ka lang, Austin.” Ani Camila. Tumingin siya sa anak. “Share your cookies with Austin.”
“Ma, ayaw ko nga. Pinaghirapan kong ginawa ‘yon.”
Napailing na lamang si Camila saka umalis ng kusina.
Nang makaalis si Camila sa kusina, mabilis na umatras si Mia palayo kay Austin.
“Masarap ang cookies na kinain ko—”
“Ang sabihin mo inagaw mo ‘yon.”
Austin chuckled. “You made it?”
“Narinig mo naman hindi ba?”
Napailing na lang si Austin. “Ang sungit mo. Mayroon ko ba ngayon?”
Natahimik si Mia. Austin hit the nail on the head. Mayroon nga siyang dalaw ngayon at kapag mayroon siya, talagang masungit siya. She couldn’t control her emotions, especially when her period came.
“Natahimik ka? Tama ako ‘no? May buwanang dalaw ka kaya ang sungit mo.”
Inirapan lamang ni Mia si Austin saka nagsuot ng apron. “Pumunta ka sa living room at manood ka na lang doon. Magluluto ako ng tanghalian.”
“Tulungan na kita.”
Mia cheekily smiled at Austin. “Marunong ka ba?”
“I’m not good at cooking, but I’m good at washing and cutting vegetables.”
“Alright.” Kinuha ni Mia ang patatas sa lalagyan saka inilapag ito sa lamesa. “Then peel and cut this for me. And…” Kumuha pa siya ng bawang at sibuyas. “Pati ‘to.”
Austin unbuttoned his coat. Hinubad niya ito saka isinampay sa upuan. Itinupi niya rin ang long sleeve niya hanggang siko. Habang ginagawa niya ‘yon hindi niya napansin na nakatingin sa kaniya si Mia. There was adoration in Mia’s eyes.
“Anong iluluto mo ba?” tanong ni Austin na pumukaw sa atensiyon ni Mia.
Napakurap si Mia saka mabilis na nag-iwas ng tingin at sumagot. “Adobong manok.”
Napatango si Austin. “Leave it to me.”
Nagsaing si Mia ng bigas at pagkatapos ay kumuha siya ng chicken legs sa freezer upang i-defrost ito.
“You know my parents?” Mia asked. Though she had already asked the obvious question. Gusto niya lang na may mapag-usapan sila ni Austin kasi ang tahimik nila pareho.
Kunuha si Austin ng cookie saka isinubo. Nguniya niya ito at nilunok bago niya sinagot ang tanong ni Mia. “Our parents were friends. So, yeah, your parents knew me.”
No wonder her mother pushed her to a blind date with Austin. But her mother was not talking about marriage anymore. Mabuti naman.
Habang nasa kusina si Mia at Austin, sumilip naman si Camila sa loob ng kusina. Nakita niya ang anak niya at si Austin na nag-uusap. Kinunan niya ang dalawa ng larawan saka ito ipinadala sa kaibigan niya. Sa ina ni Austin.
Later, Austin’s mother, Katrina, sent a message to Camila.
‘Matutupad na ang pangarap natin na maging mag-balae tayo.’
Ngumiti si Camila saka napatango na lamang. She hopes that her daughter will forget the past and look forward for a better tomorrow.