MABILIS na itinigil ni Camila ang kotse nang madaanan niya ang isang cake shop. Bigla niyang naisipan ang bumili ng cake para sa asawa niya at para na rin sa dalawang anak niya. Pwede naman siyang gumawa pero wala siyang tiwala sa sarili niya. She can cook but she can’t bake. Bumaba si Camila ng kotse at pumasok sa loob ng cake shop. Tinignan ni Camila ang mga nakadisplay na cake at sa mga cupcakes na rin. Mahilig si Mia ng chocolate chip cookies kaya naman kumuha rin siya. “Pack all the chocolate chip cookies for me. Thank you.” Kumunot ang noo ni Camila saka napatingin sa bagong dating. Naka-side view ito kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito. “Mister, ako na ang nauna.” Aniya. “I will pay double. Just give it to me.” Sabi ng lalaki sa sales lady. Naguluhan naman ang s