MIA breathed out a long breath as she stood beside Audrey in front of the mirror. Sa may loob sila ng comfort room at nagpupunas ng mukha gamit ang wipes. Tinatanggal nila ang makeup sa kanilang mukha. Katatapos lang ng pictorial nila para sa kanilang graduation picture. Mabuti na lang at maaga sila ni Audrey kaya naman maaga rin silang natapos. “How’s life?” tanong ni Mia sa kaibigan. Tinignan niya ito sa salamin. Audrey smiled brightly. “It was good.” “Halata nga, eh.” “Ikaw?” tanong ni Audrey. “Kumusta kayo ni Austin?” Nagkibit lang naman ng balikat si Mia. Gusto niyang sabihin kay Audrey ang tungkol sa kanila ni Austin pero naunahan siya ng hiya. Tsaka isa pa, baka asarin lang siya ni Audrey. Baka ibalik nito ang mga pang-aasar na ginawa niya rito noon. Ibang klase pa namang mang-