TEASER

381 Words
Fheye Beniza, twenty-six years old. Bata pa lamang ay lumaki na siya sa harap ng flash ng camera. Hindi siya iyong tipo ng artista na umaarte sa mga palabas sa TV o big screen, pero endorser siya ng mga bigating brand sa loob at labas ng bansa. Matamis man ang ngiti niya sa harap ng mga camera, ngunit kabaligtaran niyon ang totoo niyang nararamdaman. She really wants to scream and cry. Para kasing sa loob ng twenty years niya sa industriyang tinahak niya, bawal siyang magpahinga. Kaliwa’t kanan ang endorsement na palaging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina na siyang tumatayong manager niya. Nakalimutan na yata nitong tao pa rin siya at hindi robot. Hanggang sa mapuno na siya at takasan ang mundong ginagalawan. Nag-iwan siya ng sulat sa kaniyang ina na ‘wag muna siyang hahanapin at hayaang huminga. Dahil kahit anong hanap nito sa kaniya ay hindi talaga siya magpapakita rito. At sa pag-alis niyang iyon, aksidenteng magtatagpo ang landas nila ng isang lalaki na sa hinagap ay hindi niya lubos maiisip na makikilala. Ngunit ang problema, hindi pala nag-iisa ang mukha nito na muntik pa niyang ikalito! _________________________________________ Fheye Beniza, twenty-six years old. Bata pa lamang ay lumaki na siya sa harap ng flash ng camera. Hindi siya iyong tipo ng artista na umaarte sa mga palabas sa TV o big screen, pero endorser siya ng mga bigating brand sa loob at labas ng bansa. Matamis man ang ngiti niya sa harap ng mga camera, ngunit kabaligtaran niyon ang totoo niyang nararamdaman. She really wants to scream and cry. Para kasing sa loob ng twenty years niya sa industriyang tinahak niya, bawal siyang magpahinga. Kaliwa’t kanan ang endorsement na palaging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina na siyang tumatayong manager niya. Nakalimutan na yata nitong tao pa rin siya at hindi robot. Hanggang sa mapuno na siya at takasan ang mundong ginagalawan. Nag-iwan siya ng sulat sa kaniyang ina na ‘wag muna siyang hahanapin at hayaang huminga. Dahil kahit anong hanap nito sa kaniya ay hindi talaga siya magpapakita rito. At sa pag-alis niyang iyon, aksidenteng magtatagpo ang landas nila ng isang lalaki na sa hinagap ay hindi niya lubos maiisip na makikilala. Ngunit ang problema, hindi pala nag-iisa ang mukha nito na muntik pa niyang ikalito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD