"Saan ka nanggaling?" tanong ko kay Ace pagpasok pa lang niya ng pinto. Kasalukuyan ako ngayong naririto sa mahabang upuan, nakahiga habang nanonood ng t.v kahit hindi ko naman maintindihan dahil bukod sa patuloy na paghilab ng sikmura ko ay puno ako ng isipin tungkol sa mga ibinalita sa akin ni Eric at kay Ace na umalis kanina nang walang paalam at pormang-porma pa. Lumapit naman siya sa akin at humalik sa labi ko. Napansin ko ang mga supot niyang bitbit na sa tingin ko ay mga pagkain ang laman. "Sa office, kay Dad. How are you feeling? Have you eaten yet? You look pale." Kaagad niyang ipinatong sa mesa sa kusina ang mga supot na dala niya at mabilis din siyang bumalik sa akin. Binuhat niya ako at iniupo sa lap niya. Kaagad din naman akong yumakap sa kanya at sumuksok sa leeg niya. I