Crown 44 ♛ NOAH

4879 Words

"MA'AM, LALABAS po kayo?" Inayos ni Kyra ang sling bag sa balikat niya at nagpatuloy na bumaba ng hagdan. Sa dilim ng salamin niya ay nakita niya si Myra na lumabas mula sa kusina at sumunod sa kanya patungong sala. "Oo. May bibilhin lang ako sandali pero uuwi rin ako kaagad." "Gagamitin niyo po ba iyong puting kotse sa labas? Iniwan po kasi ni Mang Dante, para raw po magamit ninyo sabi ni sir." Natigil siya sa pagsuot ng jacket niya at sinulyapan ang likod ng pintuan kung nasaan nakasabit ang mga susi. Bumuntong hininga siya at inayos ang buhok niya. "Ang sir mo, kumain na ba?" "Opo. Pero nagkape lang po siya kanina. Mukha nga po siyang walang tulog e." "Anong oras siya umalis?" "Maaga po. Mga alas-sais nga po nagpapaluto na siya ng pagkain para paggising ninyo, makakain na raw po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD