Selena's POV Nagising ako sa isang malawak na silid. Napakurap kurap ako nang ma-realize kong hindi ito ang silid ko. Nasaan ako? Napabalikwas kaagad ako sa pagkakahiga. Pilit na inaalala ang nangyari. Nasa palengke lang naman ako kanina pero bakit ako nandito? Biglang nag-sink in lahat ang nangyari sa akin. Bigla akong nahilo at nawalan ng malay. Pero sino ang sumalo sa 'kin? Awtomatiko akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito. Isang babae ang pumasok at may dalang tray ng pagkain. Nakangiti ito habang papalapit sa akin. "Gising ka na pala," sabi pa nito. Inilapag nito ang dalang pagkain sa katabi kong table. "S-sino ka? N-nasaan ako?" tanong ko pa. Ngumiti na naman ito. Napaatras ako nang subukan niyang hawakan ang noo ko. "Relax ka lang, hindi ako masamang tao." Ng