Selena's POV Pagbaba pa lang namin sa private plane, ramdam na kaagad ang lamig. Hindi na nga ako nananaginip nasa korea na kami. Sinulyapan ko si Dale na may kausap sa kaniyang cellphone. Mukhang kanina pa siya abala sa kausap niya. Sumulyap rin ito sa akin at agad na binaba ang cellphone. Lumapit na sa kinaroroonan namin. "Pakiramdam ko maninigas ako dito," rinig kong sabi ng isang tauhan ni Dale. Ipinulupot naman ni Dale ang braso niya sa braso ko. May huminto na sasakyan sa tapat namin. Naunang pumasok si Dianne, kasunod si Manang at ibang mga tauhan. Akala ko pa naman doon din kami sasakay pero hindi. Hinila na lang ako bigla ni Dale nang subukan kong humakbang para pumasok sa loob ng Van. "Who told you, na sasakay ka riyan? Ofcourse you will go with me, next to me. Hindi tay