Nakarating na sila sa Japan at inamoy ng dalaga ang sariwang hangin ng Japan. "Mabuti summer ngayon makikita mo ngayon ang Cherry Blossom." Tumingin si Marieneth sa lalaki at mukhang nagheart heart ang mata. "Cherry Blossom! Wow gusto ko uli makita yun!" Sabi ni Mari at hinawakan ni Sander ang pisnge ng asawa gamit ang dalawang kamay. "Ang cute mo talaga. Kaya nga mahal kita eh." Nakangiting sabi ni Sander. "Ako lang mahal mo ha. Wala ng iba. Akin ka lang." Parang batang sabi ni Mari. Tumango ang binata at hinalikan ito sa noo. "WOW! ANG GANDA NG JAPAN!" napatingin sila sa sumigaw sa likuran at si Diane yun kasama ang kanyang asawa. Biglang kumunot ang noo ni Marieneth pagkakita sa babae. "Tara na, HON." sabi nito sa lalaki napatawa nalang ang lalaki at inakbayan ang asawang nagses

