Kinakabahan sa sasakyan ang dalaga ayaw niyang may mangyaring masama sa dalawa napalapit na kasi ito sa kanya. Nang makarating agad akong lumabas sa sasakyan at nagpaiwan si Agent Bill kasi siya ang magsisignal kung may kahina hinala. Pagpasok ng dalaga nakita nito na nakaupo si Sander at Sean mukhang seryosong naguusap at tiningnan ang ang paligid wala pang masyadong kahina hinala. Kaya umupo ang dalaga sa katabing upuan nila at nagbabasa ito ng menu habang ang tenga nakikinig sa pinaguusapan nila habang ang mata kahit saan nakatingin. Napaisip ang dalaga kung papasok ang mga papatay sa dalawa di agad sila makakalabas dahil may mga guard kung sa labas... napatingin ang dalaga sa labas ng glass na bintana nakita niya sa di kalayuan ang isang lalaking nakaitim. Pasimple itong kinontak s