Naglalakad sa baryo sila ni Marieneth at Sander bibili kasi ng gulay at karne para may stock sila sa ref nila. Magkahawak ang kamay nilang dalawa at para na talaga silang mag asawa sa ginagawa nila. 'Sino sila? Ang ganda at gwapo naman nila. Mga foreigner ba sila?' 'Mukhang mga mayayaman.' 'Saan kaya sila nakatira bakit sila nandito sa baryo natin?' Di pinansin ng dalawa ang nga comments ng mga tao at namili sila ng gulay. "Manang magkano po ang petsay?" Tanong ng dalaga sa matandang babae. "15 lang iha." Sabi naman nito. "Dalawa po niyan." Sabi ng dalaga. At binigay ng matanda ang petsay na nakalagay sa supot. "Mga iha, iho magkasintahan ba kayong dalawa?" Sabi ng matanda. Tumango naman ang dalawa. "Oh, bagay kayong dalawa... bagong lipat ba kayo? Ngayon ko lang kayo nakita eh."

