Tulalang naglalakad si Mari papuntang park at umupo doon. Di niya alam ang gagawin niya para na siyang sasabog dahil sa nararamdaman niya. Naalala pa niya ang sinabi ng lalaki sa kanya. Flashback... "I love you, Marieneth." Nanlaki ang mga mata ni Mari sa narinig kay Sander. "Kahit araw araw kong sasabihin yan... di ako mapapagod. Kasi ganun kita kamahal." Sabi nito. Napayuko ang dalaga di niya alam ang gagawin niya. "Sander..." "Please, tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo." Sabi ng binata. Gusto ng umiyak ng dalaga pero pinipigilan lang niya. "Bakit mo ko minahal? Masasaktan ka lang." Nakayukong sabi ng dalaga. "Dahil iba ka sa kanila." Sabi nito. Napaatras ang dalaga at umiling iling. At tumakbo. End of flashback... Kaya nandito ang dalaga sa Park at tulalang naglalakad. Wal

