Amanda's POV Nanlalaki ang mga matang tiningnan ako ni Rachelle pagkatapos ko itong sampalin. Diretso ko lang itong tiningnan nang kalasin nito ang hawak ni Kaiden sakaniya. "Y-You..." Parang hindi nito alam ang mamumutawi sa bibig. "Stop your delusions. Stop being desperate. Puwede ka pang magbago." Matigas na sambit ko. Napailing-iling ito nang kumunot ang noo nito. "I will... ruin your LIFE." Dumilim ang mukha nito at hindi ko inasahan ang pag alis nito mula sa pwesto at sa isang iglap lang ay higit higit na nito ang buhok ko. Napangiwi ako at napasinghap. "Rachelle!" Rinig kong sigaw ni Kaiden rito. Hindi ako nagpatalo at hinigit rin ang buhok nito. "I will kill you!" Para na itong balia habang higit higit ang buhok ko. Hinila ko rin ang buhok nito at ramdam kong sinusubukan

