Amanda’s POV “Daarrlingggg!!! We have a very important guest here!” Hindi ko inasahan ang biglang pagsigaw ng Mama ni Kaiden pagpasok namin sa sinasabi nitong bahay nila. Medyo may kalayuan mula roon sa bahay ni Kaiden. Nailibot ko ang tingin ko sa paligid at pansin kong rito ay may iilang mga maid, unlike doon sa bahay ni Kaiden. Naka-angkala pa rin ang braso nito sa braso ko nang maglakad ito ulit kaya napasunod nalang ako. Their house is well-furnished unlike Kaiden’s which is so minimalist. “You should feel at home sweetie. We’re just about to have dinner, good thing at natyempuhan kita. Come here,” Nginitian ko lang ito nang kausapin ako ulit. Nang mapansin kong mukhang patungo kami sa isang dining room. “What were you shouting about? We have a guest? Who— Kapwa natigilan kami n

