Amanda’s POV “What is it?” Kaagad na tanong ko kay Kaiden pagpasok ko sa opisina nito dahil bigla akong tinawag. I was currently busy in my work, pero mula kanina ilang oras na ang nakalilipas hindi mawala sa isipan ko ang Papa ni Magnus dahil medyo nawirduhan ako rito. Wala naman itong kakaibang sinabi pagkatapos magpakilala pero pakiramdam ko ay sa klase ng tinging iginagawad niya kanina saakin ay parang kilala ako nito, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung minsan ko na ba itong nakita o nakausap pero wala akong maalala. Mabuti nalang at tinawag ako ni Kaiden para mawala na sa isipan ko iyon. I’m just probably imagining things. “Come here,” Nagtama ang tingin namin ni Kaiden nang tumayo ako sa harapan ng table niya at pansin kong hawak nito ang phone habang nakatutok sa isang tenga

