Amanda’s POV “Hindi naman kayo nagugutom?” Pagsasalita ni Seyang habang inaayos ko itong hihigaan ni Sir Kaiden. Kanina pa ako nakasimangot at hindi mawari ang nararamdaman ko. Pagkatapos kasi nilang bumalik na hindi ko naman alam kung ano bang ipinatulong ni Seyang kay Sir Kaiden ay hindi naman nila sinasagot ng maayos ang tanong ko. Lalo na si Sir Kaiden na tahimik lang. “Hindi naman.” Sagot ko hanggang sa mailapag ko na ang unan at umayos na ako ng tayo. Masama ang tingin na sinulyapan ko si Sir Kaiden na nakatingin lang rin pala saakin. “Puwede ka nang matulog. Mag-uusap lang kami ni Seyang.” Umiwas na ako ng tingin rito saka na ito nilagpasan. Ano ngayon kung boss ko siya. Hindi nga siya nakinig saakin. Kung hindi nalang siya lumabas ‘e ‘di sana ay hindi na siya nakita ni Seyang.

