Amanda’s POV Wala sa sariling lumingon ako pero nakita kong nakasakay na si Sir Kaiden sa kotse nito at ipinark na nito ang sasakyan sa gilid ng bahay namin. Sunod-sunod akong napahinga ng malalim, sinusubukang ikalma ang puso ko. Kunot ang noo kong medyo may pag-aalalang nararamdaman. Dati ay nagagawa ko pang pigilan ang nararamdaman ko sakaniya dahil sa malamig na pakikitungo nito saakin. Sa mukha at pakikitungo nitong palaging galit. Pero ngayon, paano ko magagawang pigilan ‘to sa lahat ng mga ginagawa niya? Lately, parang nagiging open na siya saakin. He’ll tell me what he feels, and how he’s struggling with his own emotions. Hinahayaan niya rin akong makialam sa mga ginagawa at desisyon niya at some point. He already cares on what I think. Hindi ko na napansin kung kailan ba it

