Amanda’s POV Umuwi nalang ako sa apartment at sinusubukan kong tawagan si Zues pero hindi naman ito sumasagot at mukhang busy na ito. Ano kaya ang itatanong niya? Ako na sana ang pupunta sakaniya pero papapuntahin ko nalang siya sa apartment. Nagbayad na ako sa taxi nang makita kong nasa may kanto na ako ng apartment namin. Pagbaba ko ay maglalakad na sana ako papasok nang matigil ako sa nahagip ng paningin ko. It’s Kaiden! Nakababa ang salamin ng pintuan ng sasakyan nito kaya kita ko itong nakatingin saakin na kumaway saakin at ngumiti. Kunot-noo at nagtatakha ko itong tiningnan bago nilapitan. Anong oras palang? Hindi pa tapos ang oras ng trabaho. “Anong ginagawa mo rito? Hindi pa tapos ang oras ng trabaho.” Bungad ko rito na binuksan lang ang pintuan ng sasakyan saka ito bumaba a

