Amanda’s POV Pagkatapos ng tagpo namin ni Kaiden kanina sa office ay lumabas na ako para makapag-focus sa trabaho na mabuti nalang ay hinayaan niya dahil maging ito ay marami ring gagawin. Nagtatrabaho ako pero ang utak ko ay parang lumilipad. Para akong baliw rito habang nakangiting nakatingin sa screen ng computer ko. Kahit na hindi pa talaga opisyal ang relasyon namin, ramdam ko na ang kasiyahan sa dibdib ko na pawang hinehele ito. To think that he actually likes me and is willing to do things for me... I just can’t help to smile when I come to think of it. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at sumapit na ang lunch break. Inaya na ako kanina nina Mika na sumabay kumain sakanila sa canteen na sinang-ayunan ko naman. Tumayo na ako para puntahan muna si Kaiden para tanungin kun

