Amanda's POV "Zues told me that he had met you already," Napatango ako sa sinabi ni Magnus. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang restaurant na sa tingin ko ay hindi rin biro ang mga presyo ng pagkain, pero ang sabi ni Magnus ay treat naman daw niya. "Oo, nu'ng mag-uumpisa palang ang kaso ng Sparkles Jewelry, bakit? Close rin ba kayo?" Tanong ko pabalik. "Well, kinda." He paused, "He said he likes you... I mean, you really know how to get the attention of people ain't you?" Ngumiti ito. Ako naman ay bahagyang nakaramdam ng pagkailang. Pinupuri niya ba ako? I laughed shyly, "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot diyan." Sagot ko na ikinatawa lang nito. "It's alright. I was praising you. But you know... it's a good thing at natuloy na rin itong pinangako nating lalabas

