ILANG araw na ang lumipas pero iyong mukha ng lalaking iyon ay hindi na mawala sa aking isipan. Kung nababasa lang ni Mama ang utak ko malamang kagagalitan niya ako. Pinili kong itikom ang bibig. Siguro, ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng lalaki sa personal. Para siyang perpekto sa aking paningin.
Baka model 'yon? Pero baka hindi din kasi nakuhang kumain sa karinderya. Ang ganda ng kanyang mga mata. Kulay asul. Halata din na foreigner siya pero matatas managalog.
Malapit na kaming lumipat ni Mama sa Cavite. Nagliligpit na nga kami ng iba naming gamit. Patuloy pa din ako sa trabaho. Heto at uwian na naman. Alas onse na at naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Kaunti na lang ang tao dahil malalim na ang gabi. Sanay na ako sa ganito. May baon akong pang-spray para proteksyon.
May mga poste din naman ng ilaw at may nakakasabay ako na isa o dalawang tao. Alam ko nag-aantay na si Mama sa akin sa kanto. Gusto na nga niyang sunduin ako kaso hindi ako pumayag. Nahihiya ako na sa tanda kong ito sinusundo pa ko ng Mama ko. Tutuksuin lang ako lalo ng mga kasamahan ko sa trabaho na para akong bata o nag-aaral pa para sunduin ng magulang.
Lumiko ako pero nanlaki ang aking mga mata ng may humawak sa aking beywang at tinakpan ng panyo ang aking ilong at bibig! Mahigpit ang kapit ko sa aking spray pero hindi ko na magawang gamitin iyon ng maamoy ko ang panyo at tuluyan na kong nawalan ng malay.
Nagising ako na ang aking mga mata ay nakapiring at nasa biyahe pa rin. Makurba ang daan dahil panay ang gilid at liko ng sasakyan. Bigla ng umatake ang kaba at takot sa aking katawan.
“S-sino ka?! A-anong gagawin mo sa’kin?!” Nanginginig na ako at nagsimula ng umiyak habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ng aking kamay at paa. Sa sobra kong kalikutan ko ay napasubsob ako sa gilid. Tumama ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Dumaing ako sa sakit.
Narinig ko ang pagmumura ng driver. Huminto ang sasakyan. Umiiyak ako habang pilit na bumabalik sa pagka-upo. Pakiramdam ko pulang-pula ang kamay at paa ko dahil kanina pa ako pilit na kumakawala doon.
"Holy crap!"
Narinig ko ang pagbagsak ng pinto ng sasakyan at ang pagbukas ng pinto. Kumislot ako ng hinawakan niya ang kamay ko at bewang. Nagwawala ako at nagtitili dahil takot na mahawakan niya. Baka anong gawin sa akin.
“Stop moving!"
Ramdam ko ang iritasyon niya ng sabihin iyon. Binitawan niya ako agad ng maiayos ng upo. Medyo nakahinga ako ng maluwag na pinaayaan niya ako. Hingal na hingala ko dahil sa pinag-gagawa. Malakas na isinara nito ang pinto at mukhang bumalik sa driver’s seat.
Tahimik akong umiiyak. Mabilis akong napagod sa pagsigaw ko kanina. Nawalan ako ng lakas.
"You're the one hurting yourself. So stop crying, Aloe!" aniya.
Natigilan ako sa narinig. Aloe? Tama ba ang narinig ko?
Kilala niya si Aloe! Kung ganoon sino siya sa buhay ni Aloe?
“Si-sino ka ba?! Hindi nga kita kilala! Hindi ako si Al—”
"Cut that bull s**t! You love acting, huh?"
"Hindi nga ako si Al—"
“Ugh! Aray!” Napasubsob ako sa unahan dahil sa biglang pagpreno niya.
“Stop talking! I don’t want to hear any lies from you! Kung ayaw mong sagarin ang pasensya ko at busalan kita diyan. Huwag kang magsalita at manahimik ka sa upuan mo!”
Kasunod niyon ay ang malulutong na mura nito at ang dinig kong paghampas niya sa manibela. Natakot ako sa kanya. Iyong boses niya ay nakakapagpatayo ng balahibo ko. Nanahimik ako sa aking pwesto pero patuloy ang agos ng aking luha. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal ang biyahe namin. Basta ang alam ko lang tatlong beses na kong nakatulog at nagising pero nasa biyahe pa rin kami.
Sa bawat gising ko ay umiiyak pa rin ako at hindi nakakaligtas sa pandinig ng estranghero ang aking mga hikbi. Sa iritasyon niya ay binuksan nito ang stereo at nagpatugtog para lang hindi marinig ang boses ko. Nilakasan niya iyon.
“H-hinahanap... na ko ng M-mama ko... I-iba—lik mo... na k-ko sa a-amin...” sabi ko sa pagitan ng bawat paghikbi. Ngunit hindi niya narinig dahil sa sobrang lakas ng stereo.
Sumandal ako sa upuan at tahimik na nagdadasal. Natatakot ako na baka anong gawin niya sa akin. Natatakot ako na baka saktan niya ako. Gahasain pagkatapos ay itapon. Ang malinaw lang sa akin. Kilala niya si Aloe at napagkamalan niya pa itong ako.
Ano bang ginawa ni Aloe at galit na galit ang lalaking ito sa kanya? Hindi naniniwala kahit sinabi ko ng hindi naman ako iyon.
Nakatulugan ko ang isiping iyon. Nagising ako na nakahinto na ang sasakyan. Nagpalinga-linga ako na parang akala mo naman ay may nakikita. Inatake na naman ako ng kaba. Takot ako na baka nagsisinungaling lang siya. Baka katapusan ko na.
Kumalabog ang puso ko ng buksan nito ang pinto sa banda ko. Pumasok ang lamig ng hangin. Naamoy ko ang mga puno. Nasaan kami? Pakiramdam ko ay sobrang layo namin sa sibilisasyon.
"Get out."
Nanatili ako sa aking pwesto. Hindi gumagalaw. Ayokong bumaba. Takot na takot ako. Nanginginig na ko sa takot. Basang-basa na din ang piring sa aking mata. Dagdag na nilalamig na din ako dahil sa ihip ng hangin. Baka itatapon niya ako sa bangin?
Napalunok ako at tahimik na umiiyak.
"Get out, Aloe!"
Napakislot ako sa lakas ng boses niya. Napatili ako ng sapilitan niya akong ibinaba doon. Wala akong magawa dahil nakatali ang aking kamay at paa.
“Iuwi mo na ko sa amin! Hindi naman kita ki—”
"Shut the f**k up! Hindi mo na mabibilog ang ulo ko!”
Tumili ako ng malakas ng umangat ang paa ko mula sa sahig. Binuhat niya ako at sinampa sa kanyang balikat. Panay ang kawag ko pero hindi sapat iyon para masaktan ko siya. Mukhang malaking tao siya dahil ramdam ko ang muscles niya sa balikat at likod.
“Dios ko! Ayoko pang mamatay! Parang awa mo na!”
Nag-iiyak at nagmamakaawa na ako sa kanya. Hindi pa ko handang mamatay! Andami ko pang pangarap para samin ng Mama ko! Nagtitili ako at wala na kong pakialam kung magalit siya sa akin. Baka may makarinig sa amin. Mas okay iyon. Makakuha ako ng atensyon at may tutulong sa akin.
Kabadong-kabado ako lalo na ng naglalakad na kami. Sobrang lamig! Kahit pala hindi umihip ang hangin mangangatog ang tuhod mo sa lamig! Ber months na pero ang ganito kalamig ay sa bandang taas ng pa-norte! Nasaan kami? Wala naman akong naririnig na tubig. Iniisip ko baka itapon niya ako sa dagat. Pero naamoy ko ang mga puno. Kaya muling nabuo ang kumpiyansa sa akin na wala kami sa dagat.
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang pagbukas ng pinto. Natigilan ako sa pagkawag. Hindi niya ako itatapon sa bangin! Pero anong gagawin niya sa akin? Baka gagahasain niya ako at dito papatayin! Si Aloe naman talaga ang dapat na andito sa posisyon ko! Hindi ako!
Narinig ko ang mga yabag niya na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bumukas muli ang pinto. Tumili akong pagkalakas-lakas ng walang pasabing binagsak niya ako sa malambot na kutson. Mabilis akong umahon at tumama sa matigas na dibdib nito.
Muntik pa kong mawalan ng balanse kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para pigilan ako. Malakas kong piniksi ang aking balikat dahil sa galit.
“Pakawalan mo na ko! Uuwi na ko sa amin! Parang awa mo na...” Yumuko ako at umiiyak.
"NO."
Mariin at buo. Walang balak na pauwiin ako. Mas pumalahaw na ko ng iyak. Napatili ako ng tinulak niya ako kaya napahiga sa kama. Hindi ko na magawang umahon dahil sa panghihina.
Naramdaman ko ang pagsampa nito sa kama. Agad ang pagpanic sa aking mukha at katawan. Sunod-sunod ang pagiling ko. Natatakot sa susunod nitong gagawin.
“A-anong... g-gagawin mo?” bakas sa boses ko ang takot.
Napapikit ako ng mariin ng hinatak nito pataas ang aking piring. Sinubukan kong dumilat pero dahil matagal na nasanay ang aking mata sa dilim ay nasilaw ako kahit hindi naman ganoon kaliwanag sa kwarto. Oo, nasa kwarto dahil nakita ko ang relo na naka-display sa dingding at ang balikat ng lalaking estranghero na nasa ibabaw ko.
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Ngayon naman natatakot akong dumilat.
“Open your fuckin’ eyes, Aloe!” walang pasensya nitong utos sa akin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking kanang pisngi.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang matang kasing kulay ng karagatang malalim. Madilim, malalim at mapanganib.
Umawang ang aking labi at nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong lalaking nakita at nakausap ko sa karinderya ni Ate Lucy. Iyong lalaki na hindi maalis sa utak ko noong mga nakaraang araw. Anong koneksyon niya kay Aloe?
Hindi pa ko nakakabawi ng mabilis nitong hinawakan ang unang dalawang butones ng suot kong uniform! Napatili ako at mabilis na hinawakan ang kamay nitong ngayon ay pilit na binabaklas ang butones ng aking damit.
Nilukob ako ng takot at kaba. Nagsimula akong umiyak lalo na ng walang kahirap-hirap nitong nasira ang aking damit at lumantad ang malulusog kong dibdib sa mga mata niya. Napangisi ito ng makita iyon. Umalis sa ibabaw ko kaya agad kong tinakpan ang aking dibdib mula sa kanya.
"P-parang awa mo na... pauuwiin mo na ko sa a-amin. Please..." pagmamaka-awa ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga habang yakap-yakap ang sarili. Nanginginig ang aking mga kamay.
Humagalpak ito ng tawa. Maang akong napatingin sa kanya. Hindi ko na siya halos makita dahil sa panlalabo ng aking mga mata gawa ng mga luha.
“You can win as Best Actress in the Oscars Awards! Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Kung hindi ang kita kilala maniniwala na ko." Nakangisi ito pero ang mga mata ay punong-puno ng galit sa hindi ko naman malamang dahilan.
Umiling-iling ako.
"H-hindi ako si A-aloe! H-hindi nga ako!" pagpupumilit ko. Nanginginig ang aking mga katawan pero sinubukan kong tumakbo palabas pero hindi pa ko nakakarating sa pinto ay nahuli niya na ang aking beywang!
Napatili ako at sinubukang kumawala pero mahigpit niya akong hinawakan. Para lang akong hangin sa bisig niya. Kay dali niya akong binuhat at binalibag sa kama. Mabuti na lang at sobrang lambot ng kama nito kaya hindi ako nasaktan. Muling na-exposed ang pisngi ng aking mga dibdib sa kanya.
Nanginginig kong niyakap muli ang sarili habang patuloy sa pag-iyak.
"Don't you fuckin' dare try to escape! Hindi mo ko mauuto, Aloe! Pano mo nasabing hindi ikaw? You have a fuckin mole on your chest!" gigil na bulyaw nito sa akin. Nagliliyab na sa galit ang mga mata nito.
Gulantang ako sa narinig. Mas lalo itong hindi naniwala sa akin dahil sa nunal ko sa dibdib? May ganoon din si Aloe?
Umiling muli ako. Ibinuka ko ang bibig para sana magsalita pero naunahan niya ako.
"I will punish you for dumping me over that idiot, Aloe." Nanlilisik ang mga mata nito habang unti-unti na namang lumapit sa akin. Umurong ako sa kama. Takot na takot ako at panay ang kalabog ng aking dibdib.
Paano nagawa ng lalaking ito ang pag-kidnap sa akin? Mukha siyang disenteng tao. Walang bakas na kaya nitong gumawa ng masama. Hindi ko akalain na iyong lalaking ilang araw ko ng iniisip ay siyang kukuha at magkukulong sa akin sa bahay niya.
"H-hindi ako si... A-aloe. Maniwala ka... H-hindi ako siya. K-kambal ko siya!" namutawi sa aking bibig.
Mas lalong nagdilim ang tingin nito sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama habang halos magsumiksik ako sa headboard sa takot ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko sa paa at mabilis kong inalis iyon at umiling-iling. Hindi maawat ang aking mga luha.
Tumaas ang kilay nito.
“Talagang mahal mo ang walang-kwentang lalaking 'yon kaya maski danti lang sa balat ko ayaw mo?" mariin niyang tanong. Hindi niya ako nilubayan ng tingin. Gumalaw ang panga nito.
"H-hindi... ko... a-alam kasi... a-ang sinasa...bi mo..." Utal-utal kong sinabi. Hirap na hirap ako magsalita dahil sa patuloy na pagiyak.
"And you already invented a story? Pwede ka ng bumuo ng nobela na ikaw din ang artista," He smirked. Mukhang hindi naniniwala sa kahit anumang sabihin ko.
Napalunok ako ng mariin at umiling. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ba kong umiling pero hindi pa rin siya naniniwala sa akin.
"From now on, I will lock you here until you realize that the right man for you is me. Not that stupid boy or anyone else," pinal nitong sabi na nakapagpaawang muli ng aking labi.