WALA atang pagkakataon na hindi kami umaabot sa foreplay. Matindi ang paghihigpit ko sa sarili na hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. Hindi naman siya nagpupumilit. Sinasabi ko na ayoko at hindi ako handa at nagbago na ang isip ko. Hindi ko ibibigay ulit kako ang sarili kung hindi niya ako pakakasalan. Wala akong ibang maisip na dahilan kundi iyon lang. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin kagabi. Nagtataka man siya pero wala din naman nagawa dahil iyon ang gusto ko. "Do you want us to marry before I can f**k you? Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong nito. May bahid ng amusement ang mga mata dahil sa sinabi ko. Kagat-labi akong tumango. Tinignan ko siya sa mga mata para mapakita ditong seryoso ako. "I realize my worth as a woman. Hindi pwedeng ganito lang tayo. Hindi pwed