WALA ng sinabi si Mama sa akin ng magdesisyon ako na umalis para papalitan ang cheque. Sa sobrang galit niya sa akin ay parang hinayaan niya na akong umalis mag-isa. Wala na siyang pakialam kung uuwi pa ba ako o hindi. Hindi ko naman kasi sinalungat lahat ng bintang niya kaya naniniwala ito lalo sa mga sinasabi ng kapitbahay at ng pulis. Paglabas ko pa lang sa amin ay may ilang tao na ang nakatingin sa akin. Hindi nila ako magawang kausapin o kamustahin dahil alam kong narinig nila iyong pag-aaway namin ni Mama at iyong itsura ko ay wala man lang kangiti-ngiti sa mukha. Tiniis ko na lang ang mga mapanuring tingin. Nagmamadali akong naglakad papalayo sa amin. Hindi man sila magsalita ay alam na alam ko na kung ano ang iniisip nila sa akin. Sumakay agad ako sa jeep pagdating sa kanto. Gum